Julia ‘di sinugod, inaway si Claudine

Agad-agad na ipinagtanggol ni Marjorie Barretto ang anak niyang si Julia Barretto na isinasangkot na rin sa gulo sa burol, na diumano ay naunang sumugod, tumalak kay Claudine Barretto.

julia di sinugod inaway si claudine - Julia ‘di sinugod, inaway si Claudine
julia x claudine - Julia ‘di sinugod, inaway si Claudine

Dondon Sermino Paistaran 28 336x224 - Julia ‘di sinugod, inaway si ClaudineAgad-agad na ipinagtanggol ni Marjorie Barretto ang anak niyang si Julia Barretto na isinasangkot na rin sa gulo sa burol, na diumano ay naunang sumugod, tumalak kay Claudine Barretto.

Payo nga ng mga netizen, hindi dapat sumasawsaw si Julia sa away ng mga tita niya at nanay niya.

“Let me correct you. Julia didn’t do anything to Claudine. Haven’t you all noticed? The first one they want to attack and destroy is Julia? I wonder why?” sagot agad ni Marjorie.

Tinanong din si Marjorie tungkol sa sinasabi na hinaharang nila ang pagpunta nina Gretchen Barretto sa burol, o kahit sa ospital pa lang.

“I have no power and right to make her harang. That’s just simply part of their drama,” sagot ulit ni Marjorie.

Aktibong-aktibo at sinasagot nga lahat ni Marjorie ang mga tanong o akusasyon ng mga netizen sa kanila.

JJ Barretto nakiusap na itigil na ang away

Kung titingnan mo ang Facebook, Instagram account ni JJ Barretto, kapatid nina Gretchen, Marjorie, Claudine, iisipin mong napaka-peaceful, solemn ng burol para sa ama nilang si Miguel Barretto.

Lalo na nu’ng dumating si Pres. Duterte, na kung saan ay makikita nga sa video na matiwasay itong kausap ni Mrs. Inday Barretto, katabi si Claudine, at iba pang kamag-anak.

At dumating nga si Gretchen, na inalalayan ni Claudine. Makikita nga sa video sa Facebook ni JJ na ang ina mismo ang lumapit kay Greta, at may eksena pa na kinuha ni Mrs. Inday Barretto ang kamay ni Gretchen para yakapin din siya.

Makikita rin ang mga photo na magkakasama sina Claudine, Marjorie, Julia Barretto, at iba pang kamag-anak, na kuha sa ospital. Sa mga photo, wala kang masi-sense na tensiyon, dahil parang okey talaga ang lahat, base sa mga expression sa mga mukha nila.

Pero ‘yun na nga, biglang pumutok ang diumano ay away, sabunutan sa mismong burol ni Mr. Barretto nu’ng Miyerkoles ng gabi, na nasundan nitong Huwebes ng gabi.

At sa Instagram mismo ni JJ ay makikita ang pag-aaway-away ng mga netizen. At sa totoo lang, sa mga oras na sinusulat ito, lamang na lamang ang galit kay Marjorie, dahil feeling nga nila ay nagpakumbaba na si Gretchen, pero hindi ito pinayagan ni Marjorie, dahil base na rin sa mga lumalabas na kuwento.

At pakiusap nga ni JJ: “@degleur please no fighting on my posts. thank you.”

At sabi nga ng mga netizen, sana ay gamitin din ni JJ ang pakiusap niya sa mga netizen sa kanyang mga kapatid, na huwag mag-away-away.

Anyway, inaabangan nga ngayon ang pasabog daw ni Marjorie. Sabi nga ni Marjorie, magsasalita na siya at ilalabas niya ang katotohanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *