Julia, Bela ‘inggit’ kay Soberano

Matapos mga-tweet ni Liza Soberno tungkol sa mabagal nilang internet, agad na nag-reply sa kanya ang naturang provider na ayon sa iba pang ordinaryong subscriber ay madaya dahil hindi sa kanila sumasagot, pero pagdating kay Liza ay nag-reply agad sa tweet.

The post Julia, Bela ‘inggit’ kay Soberano first appeared on Abante.

julia bela inggit kay soberano - Julia, Bela ‘inggit’ kay Soberano
abante liza bela - Julia, Bela ‘inggit’ kay Soberano

Matapos mga-tweet ni Liza Soberno tungkol sa mabagal nilang internet, agad na nag-reply sa kanya ang naturang provider na ayon sa iba pang ordinaryong subscriber ay madaya dahil hindi sa kanila sumasagot, pero pagdating kay Liza ay nag-reply agad sa tweet.

Pero kahit ganon, mukhang naunahan na ng iba pang internet service provider at napalitan na ang kanilang internet dahil muling nag-tweet si Liza na nagpapasalamat sa rival internet service provider ng nauna niyang nireklamo.

Ngunit pagkatapos niyang pasalamatan ang bago niyang service provider, muling kinainggitan ng marami ang aktres dahil mabisa at maayos ang serbisyo pagdating sa aktres.

Sa katunayan, hindi lang mga netizen ang nainggit, maging sina Julia Barretto at Bela Padilla ay nainggit kay Liza.

“Sana All,” caption ni Julia sa tweet ni Liza na ni-retweet niya.

“PLDT Bekenemen! My pldt wifi doesn’t reach 1 Mpbs for downloading and/uploading everytime I test it,” sabi naman ni Bela tungkol sa mabilis na pagtugon kay Liza ng parehang service provider. (Athena Yap)

The post Julia, Bela ‘inggit’ kay Soberano first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *