Julia Barretto nagpakaligaya sa gay bar

Spotted sa gay bar si Julia Barretto last Sunday night. At hindi niya kasama ang boyfriend niyang si Joshua Garcia.

The post Julia Barretto nagpakaligaya sa gay bar appeared first on Abante News Online.

julia barretto nagpakaligaya sa gay bar - Julia Barretto nagpakaligaya sa gay bar
julia 4 - Julia Barretto nagpakaligaya sa gay bar

Spotted sa gay bar si Julia Barretto last Sunday night. At hindi niya kasama ang boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Actually, ang kuwento ay matagal na raw gusto ni Julia na magpunta sa gay bar. Pero, wala lang itong time dahil sa sunod-sunod na trabaho. Pero, dahil wala nga siyang teleserye ngayon, at tapos na ang promo ng movie nila ni Gerald Anderson, kaya niyaya talaga niya ang kaibigang bading na mag-gay bar sila.

Actually, ang actor na si IC Mendoza ang kasama ni Julia sa naturang gay bar. Pero, hello, hindi ito `yung iniisip niyong gay bar, na naghuhubad ang mga kalalakihan, ha!

Ang deskripsiyon nga rito, gay bar, dahil karamihan sa nagpi-perform dito ay may bading. At yes, karamihan din ng pumupunta ay mga bading, ha!

“Long overdue date at O-Bar with my little sis @juliabarrettofinally nadala na din kita dito,” caption ni IC sa photo nila ni Julia.

Yes, ang O-Bar nga ay lugar ng mga impersonator na bading, at madalas na itong dayuhin ng mga sikat na artista, na gustong maaliw, matulala, tumunganga, mabaliw sa mga performer nila.

At again, hindi ito `yung bar na alam niyo na, na may mga lalake na kung hindi naka-skimpy brief lang ay talagang hubo na. (Dondon Sermino)

The post Julia Barretto nagpakaligaya sa gay bar appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *