Judy Ann bida sa kusina

Mula sa pagiging child star, napakaraming pinagdaanan ni Judy Ann Santos, sa kung paano niya narating ang status na meron siya ngayon. Mula sa pagiging “Ula, Ang Batang Gubat,” nagbida sa “Mara-Clara,” na naging daan sa popularidad niya.

The post Judy Ann bida sa kusina appeared first on Abante News Online.

judy ann bida sa kusina - Judy Ann bida sa kusina
Juday - Judy Ann bida sa kusina

Ni ROSE GARCIA

Mula sa pagiging child star, napakaraming pinagdaanan ni Judy Ann Santos, sa kung paano niya narating ang status na meron siya ngayon. Mula sa pagiging “Ula, Ang Batang Gubat,” nagbida sa “Mara-Clara,” na naging daan sa popularidad niya.

Ang kanyang pelikulang “Sabel” ang nagbigay ng mas malalim na rekognisyon kay Juday bilang isang aktres.

Mula sa titulong “Young Superstar” at tila tanggap ng mga tao na puwede lang tawagin after the Superstar Nora Aunor, Juday is indeed, “Pinoy Teleserye Queen” at pinaniniwalaan din na so far, the last big star in showbiz after ng batch nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

From Young Superstar, Judy Ann Santos is now being called, the “Prime Superstar.”

Kinikilala rin si Judy Ann bilang isa sa mga top/most influential endor-ser. Dumating na nga si Juday sa punto ng career niya na nakaya na niyang mas mabigyan ng prayoridad ang pagiging isang asawa at ina.

Malayong-malayo sa kung paano tumakbo ang career niya during the time na dalaga pa siya. Kung paano, ang tulog niya halos ay sa biyahe na niya from one taping to another or one taping to shooting.

‘Hindi ako santa’

Ngayon, piling-pili na ni Juday ang mga project na ginagawa niya, kahit bilang isang kilalang celebrity endorser. Pinagkakatiwalaan ang produktong ine-endorso niya at nagiging “Tatak Juday.”

Ayon kay Juday, “It’s overwhelming. ‘Yung gawin kang influencer. Kasi, parang it validates you not just as a person or celebrity, ‘yung kabuuan mo rin, as a role model, as a mother, as a person or as a wife.

“Ang dami namin, ang dami-dami namin… pero ‘yung tuloy lang sila sa pagkuha sa‘yo, sa pagtitiwala sa ‘yo. Mahirap maging mabait kung hindi ka talaga mabait. I mean, you really have to walk the talk. Sabi ko nga, hindi naman ako santa o purong-puro na mabait. Pero malaking bagay ‘yung napapaligiran ka rin ng mga tao na magpapa-humble sa ‘yo.”

Ang kanyang “Judy Ann’s K­itchen” sa YouTube ay may mahigit 600k subscribers at sa Facebook naman ay close to half-million na that makes her a solid social media i­nfluencer, too!

Pinagkakitaan ang galit

May bagong business venture ang mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo. Ito ay ang A­ngrydobo restaurant na binuksan na nga-yong May sa Taft Avenue sa Manila sa tapat ng De La Salle University. Target kasi nilang customer ay mga estudyante.

Bakit nga ba Angydobo? Ani Ryan:
“Close to 14 years ago, when we were just da-ting, we got into this really petty argument that just blew up. You know those fights that just go around in circles, where you even-tually forget how it started and then just end up being quiet in the car on the drive home?

“But, one night in Los Angeles, something magical came out of this particular lovers quarrel. Judy Anne had promised to cook adobo for our Filipino friends in LA.

“The plan was to make a big batch that they could then just throw in the fridge and reheat at least for the next 2 weeks. So that night, fight or no fight, I was sent out with a list of ingredients.

“It was close to midnight when I got back. My girlfriend was having a glass of wine in the kitchen. Without uttering a word, I dumped the supplies on the counter, and immediately went to bed.

“As I got up the next morning, imagine my surprise as I spot Juday still in the kitchen, apparently never having gone to sleep, still working and cooking up a frenzy. The kitchen was hot and heavy with the smell of passion and witchcraft. Something was going on.

“Soon as I parked my butt on the kitchen stool, the cook wordlessly places a bowl in front of me and goes straight to bed.”
Tinikman niya at nasarapan siya sa luto ni Juday!

***

‘Starla’ nabasura na?

Halos isang taon na nang simulang gawin ni Judy Ann Santos ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “Starla.” Pero hindi pa nito masabi kung kailan nga sila magsisimulang umere.

“Sa totoo lang, hindi ko alam. But I trust ABS kung kailan sa tingin nila tamang ipalabas na talaga. Pero, tuloy-tuloy lang kaming mag-taping.”
Kumpara sa iba sigurong naiinis kapag walang signal ang location, iba si Juday na nag-e-enjoy naman sa kawalan ng signal sa location nila sa Tanay. Mas nakakapag-usap daw sila sa set at nagiging close.

Unang beses din na gagawa si Raymart Santiago ng proyekto para sa Kapamilya Network; matagal na panahon itong nasa GMA-7 bilang isang Kapuso artist.

Sabi pa ni Juday, “Siyempre may ilangan nu’ng simula kasi hindi naman talaga kami magka-love team to begin with, tapos first niya sa ABS, ako naman comeback ko, so pareho kaming may kaba siguro, noh?

“Pero along the way naging kumportable na kami sa isa’t isa, kuwentuhan na kami, isa lang naman ang gusto namin e, matapos kami nang maaga.”

Tutok sa pag-aalaga kina Yohan, Lucho, Luna

Sa mga nakakakilala kay Juday, walang pagtataka kung kahit siguro talikuran niya ang showbiz para sa pamilya ay makakaya nitong gawin. Malaking bagay rin na nang magsimulang bumuo si Juday ng pamilya – career wise, halos narating na niya ang pangarap lang ng karamihang artista kaya ready talaga siya sa pagiging mommy nina Yohan, Lucho at Luna.

Sa tatlo, si Yohan ang teenager na. Palagi lang daw niya itong pinapaalalahanan na mag-iingat at magiging open sa kanila ng mister na si Ryan Agoncillo.

“Basta mag-ingat lang siya, ‘yun naman ‘yung sa panahon ngayon napakahirap nang magbigay ng advice sa mga bata, kasi nagbabago e, bawat kendeng, bawat ganito, iba, nag-iiba talaga siya, hindi mo alam kung ano ‘yung nangyayari sa school. Sabi nga nila, once nag-big school na ‘yung anak mo, hindi mo na talaga alam kung ano ang nangyayari behind the walls of the school.

“Ang palagi ko lang namang inaano sa kanya, you know, if she has questions, ‘wag siyang… do not keep things from us, para alam namin kung paano namin siya iga-guide.

“Kasi nga sa panahon ngayon hindi mo naman alam kung ano ‘yung totoong sinasabi at ano ‘yung hindi sinasabi, up until huli na ‘yung lahat.

“Si Lucho, alam ko naman ang mga pinapanood niya, usually football and funny sites. Tsine-check ko ang history. While si Luna, naka-filter, one hour YouTube sa afternoon, then, may iba siyang activity na hindi gadget, ganun din sa gabi.”

The post Judy Ann bida sa kusina appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *