‘Jude’ nina Janella, Markus 2.2M na

Hindi maipaliwanag ni Markus Paterson ang naramdaman noong una niyang nakita ang baby nila ni Janella Salvador.

The post ‘Jude’ nina Janella, Markus 2.2M na first appeared on Abante.

jude nina janella markus 2 2m na - ‘Jude’ nina Janella, Markus 2.2M na
10 4 - ‘Jude’ nina Janella, Markus 2.2M na

Hindi maipaliwanag ni Markus Paterson ang naramdaman noong una niyang nakita ang baby nila ni Janella Salvador.

“The moment na I saw him, parang a whole wave just kind of took over my body, na lahat ng priorities ko noong time na ‘yun, nawala. It went out of the window. Like everything is now for him, forever is always be for this little man that I’m holding in my arms. Hindi ako naiyak, hindi ako natawa, nakatulala lang ako, nakatitig sa kanya for hours,” kuwento niya.

“Until now, his smiles are the most beautiful thing in the world. Lahat ng hirap, lahat ng early morning wake up, sobrang worth it ‘pag nakita ko ‘yung mukha niya,” dagdag niya.

“Sobra kaming natakot nung una dahil we knew the world is very harsh and right now isn’t the best environment. Nung una, we wanted to shield him from everything and keep everything quiet as much as possible,” kwento pa rin ng binata.

Anyway, si JC Alcantara nga raw ang unang sinabihan ni Markus sa pangyayari.

“Palagi kasi kaming nag-uusap ni Markus. Noong una ay takot pa siya pero sabi ko sa kanya na ‘wag matakot. Mas okay na sabihin sa mundo yung baby niya. ‘Di ba ang saya sa feeling na okay lahat. Malaya ‘yung baby na nakikita ng tao,” sambit naman ni JC.

Samantala, nagpasalamat naman si Markus sa lahat ng nanood ng vlog nila ni Janella Salvador. Sa loob nga ng dalawang araw ay naka 2.2 milyon views na ang video nila, at may 132,000 subscribers na rin sila. (Dondon Sermino)

The post ‘Jude’ nina Janella, Markus 2.2M na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *