Juday, Piolo sa bio-pic ni Mother Lily?

Alam mo, Dondon, nakaka-happy lang kapag kausap mo si Mother Lily Monteverde. Kahapon, bukod kina Senator Cynthia Villar at Quezon City Mayor Joy Belmonte, special guest sa 5th World Pandesal Day ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery si Mother Lily.

juday piolo sa bio pic ni mother lily - Juday, Piolo sa bio-pic ni Mother Lily?
judy x piolo - Juday, Piolo sa bio-pic ni Mother Lily?

Jun Lalin Anything Goes 24 336x224 - Juday, Piolo sa bio-pic ni Mother Lily?Alam mo, Dondon, nakaka-happy lang kapag kausap mo si Mother Lily Monteverde. Kahapon, bukod kina Senator Cynthia Villar at Quezon City Mayor Joy Belmonte, special guest sa 5th World Pandesal Day ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery si Mother Lily.

Inusisa ng press si Mother Lily kung kumakain siya ng pandesal at oo ang sagot niya. Panahon pa lang daw ng Hapon ay panay pandesal na ang kinakain nila.

“Anong paborito n’yong ipalaman noon sa pandesal?” tanong ng isang press.

“Wala. Mahirap ang buhay noon, kaya puro pandesal lang ang kinakain namin, walang palaman!” sey ni Mother Lily.

Dahil pandesal ang topic at nasa Kamuning Bakery nga siya, naalala tuloy ni Mother Lily na noong araw ay prinodyus niya ang pelikulang “Peter Pandesal” na pinagbidahan ng noon ay child wonder na si Niño Muhlach.

Biniro naman ni Mother Lily si Wilson na dapat may talent fee siya dahil pino-promote niya ang pandesal ng Kamuning Bakery, kaya binigyan siya ng two packs ng pandesal.

Anyway, natanong si Mother Lily tungkol sa bio-pic niya. Marami na kasi ang excited sa pagsasapelikula ng kanyang buhay.

“Baka mag-start na ang shooting next week. We will invite naman kapag nag-shooting na. Yes, Judy Ann (Santos) ang gaganap bilang ako.

“Ilan ang leading men? Marami hahaha.

“Hindi ko pa alam kung sino ang gaganap na Father Remy (Monteverde). Wala pa,” sabi niya at may mga nag-suggest na si Piolo Pascual na lang, pero hindi pa raw siya sure kung sino nga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *