Juday nakakainis ang role sa ‘Ang Probinsyano’

Ang daming nagtatanong, ano ba ang role ni Judy Ann Santos sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin? Sumalang na nga si Juday sa unang ­taping nila ni Coco, at ang aktor mismo ang personal na nag-asikaso kay Juday.

The post Juday nakakainis ang role sa ‘Ang Probinsyano’ appeared first on Abante News Online.

juday nakakainis ang role sa ang probinsyano - Juday nakakainis ang role sa ‘Ang Probinsyano’
ABANTE Juday - Juday nakakainis ang role sa ‘Ang Probinsyano’

Prosti, pokpok kaya siya?

Ang daming nagtatanong, ano ba ang role ni Judy Ann Santos sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin? Sumalang na nga si Juday sa unang ­taping nila ni Coco, at ang aktor mismo ang personal na nag-asikaso kay Juday.

Makikita sa mga photo na pinost ni Biboy Arboleda, manager ni Coco, ang masayang paghaharap ng dalawa sa set ng teleserye na ito ng ABS-CBN 2. Sa YouTube channel ni Biboy ay mapapanood nga ang interview kina Juday at Coco.

“Masarap pumasok sa masayang set. Hindi mahirap gumising sa umaga para pumasok sa trabaho. Hindi mo iisipin kung gaano katagal ang taping, kung masaya ang aabutan mo na tulad nito,” sabi ni Juday.

So, ano ba talaga ang role niya?

“Ramdam mong pinag-isipan talaga kung ano ang ibinigay na character sa iyo,” sagot ni Juday.

So, ano ba talaga ang role ni Juday?

“Pinag-isipan naming mabuti, kasi gusto namin na first time mag-guest siya sa ‘Ang Probinsyano’, isang karakter na hindi pa niya nagagawa.”
So, ano nga ba talaga ang role ni Juday?

“Ang daming consideration, inisip namin baka hindi niya tanggapin. Sabi ko talaga, sana tanggapin niya. Nag-worry rin ako, kasi may family na siya, at saka siyempre babae siya.

“Sabi ko nga, gusto ko naman kung magkakatrabaho kami ni Ate Juday, alam kong macha-challenge siya,” sagot ni Coco.

“Cameo guesting siya pero importante ang character ko. Nakaka-challenge siya. Gusto kong tawirin.”

So, ano ba talaga ang role ni Juday?

“Basta isang character siya na maguguluhan kayo. Kung bakit siya ganu’n. Nakakakaawa, nakakasimpatiya, pero at the same time, nakakainis,
nakakagalit. ‘Yun na lang muna ang puwede kong i-share sa ngayon,” sagot ni Juday.

Pero base sa itsura ni Juday, na naka-boots na abot lagpas tuhod, maiksi ang suot na palda, at makapal ang makeup, at parang may bubble gum sa bibig na nginunguya, parang may idea na kami sa kung ano ang role niya, ha!

Pero malay naman natin, may mas malalim na karakter pa pala ang mensahe ng itsura niya na ‘yon. Na hindi lang siya prosti, o pokpok, ha!

Well… (Dondon Sermino)

The post Juday nakakainis ang role sa ‘Ang Probinsyano’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *