Juday nairita sa mga baguhang artista

Sumikat si Judy Ann Santos sa kanyang role sa “Mara Clara,” kung saan kaliwa’t kanang sampal ang inabot niya sa kontrabida ng serye na si Gladys Reyes. Pero sa kabila ng hidwaan nila sa TV, naging mag-best friends naman sila in real life.

juday nairita sa mga baguhang artista - Juday nairita sa mga baguhang artista
judy ann 2 - Juday nairita sa mga baguhang artista

Sumikat si Judy Ann Santos sa kanyang role sa “Mara Clara,” kung saan kaliwa’t kanang sampal ang inabot niya sa kontrabida ng serye na si Gladys Reyes. Pero sa kabila ng hidwaan nila sa TV, naging mag-best friends naman sila in real life.

Kaya nagtataka siya sa mga bagets na artistang nagkakapikunan daw sa fight scenes at sampalan, e kasama naman daw ‘yun sa trabaho nila.

“Ang dami kasing mga isyu ng mga bagets na nagkakabuwisitan dahil sa fight scenes, sa sampal kasi malakas. Eh ganu’n talaga.

“At para sa akin, binabayaran ka, do your job. Artista ka, part ‘yan ng trabaho mo. So kapag nagreklamo ka kasi nasaktan ka para sa akin, dumi-diva ka. Kasi bayad ka, eh. Mas mataas ang bayad mo kaysa sa mga crew na kasama mo, so you do not have the right to complain,” sabi ng “Starla” actress.

May point ang Queen of Philippine teleseryes. Kapag heavy drama o aksyon ang serye, expected talagang may sakitan. Pero hindi ibig sabihin noon pineperso­nal ka na ng kapwa mo artista.

“So kung ang dating sa’yo pinersonal kita, problema mo na ‘yon. Pero para sa akin, nagtatrabaho ako,” dagdag pa ni Juday.

Kaya dapat lagi tayong professional at laging tandaan na part ng pag-aartista ang sabunutan, sampalan, at iba pang pisikalan. Huwag ding kalimutang magpa­salamat dahil blessing ang bawat trabaho, kahit gaano pa ‘yan kahirap. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *