Juday naantig ang puso sa hostage survivor

Kwento ng pagmamahal sa propesyon sa kabila ng matinding pagsubok ang matutunghayan mula sa apat na guro sa “Paano Kita Mapasasalamatan” kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo, na mapapanood ngayong Sabado (Nobyembre 21) sa A2Z channel na available na sa ABS-CBN TVplus at iba pang digital TV boxes.

The post Juday naantig ang puso sa hostage survivor first appeared on Abante.

juday naantig ang puso sa hostage survivor - Juday naantig ang puso sa hostage survivor
abante judy anee - Juday naantig ang puso sa hostage survivor

Kwento ng pagmamahal sa propesyon sa kabila ng matinding pagsubok ang matutunghayan mula sa apat na guro sa “Paano Kita Mapasasalamatan” kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo, na mapapanood ngayong Sabado (Nobyembre 21) sa A2Z channel na available na sa ABS-CBN TVplus at iba pang digital TV boxes.

Ibabahagi sa episode ang kwento ng apat na guro na sina Lordvinn Acopio, Aljo Catedral, Michael Brizal, at Jonathan Almirante na nakahanap ng paraan para matulungan ang isa’t isa at pinatunayan na ang pagbibigay ng edukasyon ay walang pinipiling relihiyon.

Isa si Lordvinn sa mga gurong nabihag sa Marawi siege noong 2017 na napilitang magsilbi bilang doktor para iligtas ang buhay niya. Sa loob ng mahigit apat na buwan, ang co-teacher niyang si Aljo ang nagbigay ng pag-asa sa pamilya niya na makakauwi siya nang buhay.

Pasasalamatan naman ni Aljo ang kabutihan ng isang pamilyang kumupkop sa kanya pagkatapos niyang ma-stroke, habang bibigyang pugay ni Michael ang isang kaibigang tumulong sa kanyang magsimula ng bagong buhay matapos ang matinding pinagdaanan sa Marawi.

Mapapanood din ang kwento ni Jonathan, isang grade three science teacher sa isang public school sa Cavite, na ang hangarin ay lutasin ang labis na pagbaha sa kanilang eskwelahan para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na matuto nang maayos.

Sobrang naantig nga ang puso at bumilib si Juday sa kuwento ng apat na guro na ito.

Subaybayan ang mga totoong istorya na puno ng pag-asa at inspirasyon mula kay Juday sa “Paano Kita Mapasasalamatan” tuwing Sabado ng 6:45 PM sa A2Z channel.

The post Juday naantig ang puso sa hostage survivor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *