Juday impaktita, maldita sa mga bata

Sa pilot episode pa lang ng “Starla”, ramdam mo na agad ang presence ni Judy Ann Santos, ha! Presence na ibang-iba sa mga nakasanayan mong makita sa kanya.

juday impaktita maldita sa mga bata - Juday impaktita, maldita sa mga bata
judy ann 1 - Juday impaktita, maldita sa mga bata

Dondon Sermino Paistaran 14 336x224 - Juday impaktita, maldita sa mga bataSa pilot episode pa lang ng “Starla”, ramdam mo na agad ang presence ni Judy Ann Santos, ha! Presence na ibang-iba sa mga nakasanayan mong makita sa kanya.

Ang bongga nga ni Juday, na heto nga, may pagka-impaktita, maldita, mang-aapi ng mga batang inosente. In short, kontrabida nga si Juday sa “Starla”.

Malayong-malayo sa mga ginagawa niya noon. Na siya ang superhero, na siya ang kakampi ng mga inaapi.

Heto nga ang chika ni Juday:

“Ang mga anak ko, hindi nila alam na artista ako. Nagugulat sila kapag nakikita nila, o sinasabi ko na artista ako bago naging host. Nagugulat talaga sila.

“Eh, I really wanted to have a teleserye na hindi masyadong bugbog sa drama. Mas gusto ko na feel good, inspirational, na nakaka-happy lang panoorin. Na gusto ko ‘yung magbibigay ng hope sa mga tao.

“Medyo mataray pakinggan, pero I guess, nasa stage na ako na gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Thirty plus in the industry, marami na rin akong nagawa. I think, it’s about time na piliin ko naman kung ano ang mga gusto kong project.

“Na ito nga, inspirational at mapapanood ng mga anak ko, at magiging proud naman sila sa akin,” sabi ni Judy Ann.

Pero, bakit nga siya pumayag na maging kontrabida?

“Darating ka sa point na, kasi nagawa ko na lahat ng pagpapabugbog at pang-aapi sa akin. Lahat na yata ng sapak tinanggap ko na.

“So, it’s about time na puwede na akong gumawa ng iba’t ibang karakter sa teleserye. May mga bagong artista, batch, fresh actors, actresses, na gumagawa na ng mga ganu’n, at graduate na ako roon, puwede na akong mag-move forward.

“Sabi ko nga, nagawa ko na ‘yon, so dito na ako sa ganito.

“Si Meryl Streep ang peg ko sa ‘The Devil Wears Prada’. Kasi ang karakter ko dito, palaging naka-postura, matapang sa labas, sa career, pero parang sini-shield lang niya kasi may pinagdaanan nga siya.

“Gusto ko ang karakter ko dito,” sabi pa ni Juday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *