Juday, Allen pelikula malabo pa sa MMFF

Si Judy Ann Santos naman ang ididirek ni Erik Matti after Sharon Cuneta para sa Reality Entertainment, Inc.

The post Juday, Allen pelikula malabo pa sa MMFF appeared first on Abante News Online.

juday allen pelikula malabo pa sa mmff - Juday, Allen pelikula malabo pa sa MMFF
ABANTE juda allen - Juday, Allen pelikula malabo pa sa MMFF

abante i know better jun nardo 336x224 - Juday, Allen pelikula malabo pa sa MMFFSi Judy Ann Santos naman ang ididirek ni Erik Matti after Sharon Cuneta para sa Reality Entertainment, Inc.

Nakipag-meeting na si Juday kina Direk Erik at Reality Entertainment boss Dondon Monteverde nitong nakaraang mga araw.

Sa hashtag na ginamit ni Dondon sa picture, nakalagay ang #embracingthegiftmovie na puwedeng title ng pelikula. Teka, aksiyon, o bugbugan din kaya ang movie na ito na siyang forte ni Direk Erik? O baka naman horror na expertise rin niya?

May natapos nang movie si Judy Ann, ang “Mindanaw” kapareha si Allen Dizon at mula sa direksyon ni Brillante Mendoza. Waiting pa ang producers nito kung mapipili bilang isa sa Last Final Four ng Metro Manila Film Festival 2019.

Sundot nina Michael V, Zulueta benta sa mga fan

Tagumpay ang premiere night ng pelikulang “Family History” mula sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc. na ginanap sa tatlong sinehan ng SM Megamall last Tuesday hindi lang dahil star-studded ito kundi maganda ang feedback sa dramedy na sinulat, pinagbidahan at dinirek ni Michael V.
Maraming sundot sa comedy na bentang-benta sa manonood at ‘yung dramatic scenes ay may kurot sa puso. Hindi kasi pilit ang pagdadrama nina Bitoy at Dawn Zulueta at may sundot pa ng komedya kaya palakpakan ang lahat pagkatapos ng pelikula.
Winner ang mga eksena ng guesting nina Dingdong Dantes at Eugene Domingo, huh!
Nagpista rin ang manonood sa GMA artists na dumalo sa premiere sa pangunguna ni Alden Richards. Present din ang real life lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Nanood din ang comic duo na sina Boobay at Super Tekla, Diana Zubiri at asawang Andy Smith; Thea Tolentino, Therese Malvar, Maureen Larrazabal, Chariz Solomon, Ashley Rivera, Arny Ross, Valeen Montenegro, Kyline Alcantara, Jessa Zaragosa kasama ang asawang si Dingdong Avanzado at anak na si Jayda, “StarStruck” hopefuls at marami pang iba.
Congratulations Michael V, GMA Pictures at Mic Test Entertainment.(Jun Nardo)

The post Juday, Allen pelikula malabo pa sa MMFF appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *