Joyce, Kevin pakakasal sa Disyembre

Joyce, Kevin pakakasal sa Disyembre

Parang kelan lang ay inosenteng teenager lang si Joyce Ching nang ma-interview namin sa presscon ng “Tween Hearts” in 2010. Pero sa darating na December 7, 2019 ay ikakasal na ito sa kanyang fiancé na si Kevin Alimon. Na-engage sila noong nakaraang March 2019.

The post Joyce, Kevin pakakasal sa Disyembre appeared first on Abante News Online.

joyce kevin pakakasal sa disyembre - Joyce, Kevin pakakasal sa Disyembre
joyce ching - Joyce, Kevin pakakasal sa Disyembre

Parang kelan lang ay inosenteng teenager lang si Joyce Ching nang ma-interview namin sa presscon ng “Tween Hearts” in 2010. Pero sa darating na December 7, 2019 ay ikakasal na ito sa kanyang fiancé na si Kevin Alimon. Na-engage sila noong nakaraang March 2019.

Nasa tamang edad naman na si Joyce para magpakasal. 24 years old na siya at natapos na niya ang kanyang film degree mula sa Meridian International College of Business and Arts Inc.

Marami nga ang nagsasabi na parang nagmamadali nang mag-asawa si Joyce dahil sa panahon ngayon, bihira ang nagpapakasal sa edad na 25.

“Bago ko sinagot ‘yung fiancé ko, inisip ko talaga muna. Then nu’ng naisip ko na, that’s when I said yes.

“Sobrang happy ako na nandito ako sa platform na ito, to shed light to the youth and even adults, na marriage is for God. That marriage is something beautiful. It’s a gift from God and it’s not something na ikakahiya mo. It’s something to be celebrated,” sey pa ni Joyce.

Hands on nga raw sina Joyce at Kevin sa wedding preparations nila.

“Hindi pa siya super hectic. ‘Yung pina-plan namin more on sa house, kung saan titira. Fina-finalize ‘yung guest list, kung kailan at saan since ‘yun ‘yung pinaka-important. Ang stressful. Hindi ko in-expect na sobrang daming venue ng kasal sa Pilipinas.”

Mabuti na lang daw at matatapos na ang teleserye na “Dragon Lady” kunsaan gumaganap siya bilang kontrabida na si Astrid. Mas marami na siyang oras ngayon para sa wedding prep.

Si Joyce nga ang kauna-unahang cast member ng “Tween Hearts” na ikakasal. (Ruel M­endoza)

The post Joyce, Kevin pakakasal sa Disyembre appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *