‘Jowable’ tinalakay sa simbahan

Simula noong October 25 na first day ng showing ng kauna-unahang social media trend adapted movie na “Jowable”, patuloy pa rin ang pagpalo nito sa takilya kahit kasabay nito sa mga sinehan ang ilan sa mga international movie gaya ng “Ad Astra”, “Hustlers” at “Downtown Abbey”.

jowable tinalakay sa simbahan - ‘Jowable’ tinalakay sa simbahan
jowable - ‘Jowable’ tinalakay sa simbahan

Simula noong October 25 na first day ng showing ng kauna-unahang social media trend adapted movie na “Jowable”, patuloy pa rin ang pagpalo nito sa takilya kahit kasabay nito sa mga sinehan ang ilan sa mga international movie gaya ng “Ad Astra”, “Hustlers” at “Downtown Abbey”.

Kumita ang “Jowable” ng P62M na labis na ikinatuwa ng mga fan. Nagamit pa nga sa isang homily sa simbahan ng Baclaran ang istorya ng naturang pelikula bilang halimbawa o leksyon sa mga nakikinig.

May isang basher pa na sinubukang sirain ang positive vibes ng mga fan pero agad din itong sinagot ni Jerald Napoles at binanggit nga na kung bastos ang movie nila ay hindi iyon gagamiting halimbawa sa simbahan.

Well, inakala kasi ng mga hindi pa nakakapanood na bastos ang pelikula dahil siguro sa tema nito, pero ang totoo nga ay marami kang mari-realize na aral sa buhay dahil dito. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *