Joshua type tikman ng matandang sexy star

Desididong bumawi sa buhay si Keanna Reeves at isa sa mga isinakripisyo nito ay ang kanyang panlalalake. Sa panayam namin kay Keanna kamakailan lang, sinabi niyang malaki na ang ipinagbago niya pagdating sa panlasa sa mga lalake.

joshua type tikman ng matandang sexy star - Joshua type tikman ng matandang sexy star
ABANTE joshua 2 - Joshua type tikman ng matandang sexy star

Desididong bumawi sa buhay si Keanna Reeves at isa sa mga isinakripisyo nito ay ang kanyang panlalalake. Sa panayam namin kay Keanna kamakailan lang, sinabi niyang malaki na ang ipinagbago niya pagdating sa panlasa sa mga lalake.

Hindi na siya gaya ng dati na ‘atat’ sa mga boy. Nakakaya na raw niyang deadmahin ang mga ito at bigyang focus ang kanyang trabaho.

Bukod sa “Home Sweetie Home”, nasa cast din ng “The Killer Bride” ang sexy star.

Ayon pa kay Keanna, pag may nagyaya sa kanyang lalaki para makipagkita, pag may trabaho siya iniisnab daw niya ito, di gaya noon na mas inuuna niya ang kalandian kaysa sa trabaho, kaya raw siya binitiwan ng dating manager na si Boy Abunda.

Naroon pa rin ang panlasa ni Keanna sa mga bagets, gaya ng pasaring niya ng pagnanasa sa lead actor ng “The Killer Bride” na si Joshua Garcia. Rason nuya, wala naman daw nan-liligaw sa kanyang kaedad niya, at ayaw naman daw niya ng matanda dahil mas gusto niya ng fresh.

Ang goal ni Keanna ngayon ay mag-ipon ng pera. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *