Joshua tinanggi ang hiwalayan kay Julia

Taon-taon ay may espesyal na nagaganap para sa mga fan ng iba’t ibang klase ng laruan, mapa-bata man o matanda, na pala-ging click ang mga exhibit, bitbit ang kanilang mga paboritong karakter.

The post Joshua tinanggi ang hiwalayan kay Julia appeared first on Abante News Online.

joshua tinanggi ang hiwalayan kay julia - Joshua tinanggi ang hiwalayan kay Julia
ABANTE joshua - Joshua tinanggi ang hiwalayan kay Julia

Mega lambingan sa ‘Toycon’

Taon-taon ay may espesyal na nagaganap para sa mga fan ng iba’t ibang klase ng laruan, mapa-bata man o matanda, na pala-ging click ang mga exhibit, bitbit ang kanilang mga paboritong karakter.

So, guess what? Mayroong gina-nap noong Hunyo 28 hanggang Hunyo 30 sa SMX Convention Center na “Toycon Fan Experience.”
Mas dumoble pa ang excitement ng mga fan dahil bukod sa kanilang mga paboritong karakter mula sa iba’t ibang palabas na tampok sa naturang kaganapan, naimbitahan din ang ilan sa kanilang paboritong artista ng Star Magic gaya nina Maris Racal, Hashtag McCoy De Leon, Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kaya nang dumating ang mga nasabing artista ay nagdagsaan lahat ng tao sa ikalawang palapag ng SMX Convention kung saan naroon nga sila. Unang araw pa lamang ‘yan, ha! Kumbaga, patikim pa lang!

Samantala, mukhang okay na nga ang JoshLia dahil kung papansinin ay kapit na kapit talaga si Julia sa braso hanggang kamay ni Joshua, makikita ring maaliwalas ang kanilang mga ngiti at tila walang pinagdaanan ang kanilang relasyon.

Tinanong pa nga si Joshua kung ano’ng masasabi nito sa rumors na split na sila, at tumatawang sumagot naman si Joshua ng, “‘Di totoo ‘yun!”

So ano nga ba ang totoo? Kasi, ayon naman sa interview sa kanila kamakailan ng isang showbiz reporter mula sa ABS-CBN, sinabi nila na “bestfriends” na lang sila. Well, kung ibabase sa kilos nila habang magkasama ay parang wala namang lamat ang kanilang samahan.

Sa ibang artista namang kasama sa kaganapan, tuwang-tuwa ang mga fan kay McCoy dahil napaka-entertaining nito sa kanila. (Athena Yap)

The post Joshua tinanggi ang hiwalayan kay Julia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *