Joshua mas gumuwapo nang mahiwalay kay Julia

Habang patuloy sa pagku­yog at panlalait ang mga netizen kay Julia Barretto matapos masangkot sa breakup nina Ge­rald Anderson at Bea Alonzo, inuulan naman ng papuri at moral support ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia.

joshua mas gumuwapo nang mahiwalay kay julia - Joshua mas gumuwapo nang mahiwalay kay Julia
ABANTE Joshua 1 - Joshua mas gumuwapo nang mahiwalay kay Julia

Habang patuloy sa pagku­yog at panlalait ang mga netizen kay Julia Barretto matapos masangkot sa breakup nina Ge­rald Anderson at Bea Alonzo, inuulan naman ng papuri at moral support ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Nag-post si Joshua ng kanyang close-up photo na nakangiti at napakaguwapong lumabas ang hitsura niya, kaya maraming mga follower niya ang naaliw.

Pati ang mga kasamahang artista ng young actor ay pinuri ang kaguwapuhan, kakisigan ng aktor. Nanguna nga sa pagpuri kay Joshua sina Angel Locsin, Sharon Cuneta, Dimples Romana, Iza Calzado, Mylene Dizon, Vina Morales, Janus Del Prado, Mark Coleta, at Say Alonzo.

Ipinagpalagay ng mga follo­wer ni Joshua na ang pag-upload nito ng kanyang larawan sa IG ay para iparamdam sa lahat na nasa mabuti siyang estado.

Marami nga ang nagsasabi na biglang umaliwalas ang mukha ni Joshua ngayong wala na siya sa piling ni Julia. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *