Joshua ‘ginago’ si Alexa

Nagbigay ng aliw si Joshua Garcia sa social media, kasabwat ang co-actor niya sa seryeng “The Killer Bride” na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Janella Salvador.

joshua ginago si alexa - Joshua ‘ginago’ si Alexa
joshua 4 - Joshua ‘ginago’ si Alexa

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 7 336x224 - Joshua ‘ginago’ si AlexaNagbigay ng aliw si Joshua Garcia sa social media, kasabwat ang co-actor niya sa seryeng “The Killer Bride” na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Janella Salvador.

Mapapanood sa video ni Alexa Ilacad sa Instagram na nagpi-perform ng magic trick sa kanya si Joshua. Ipinakita muna ng aktor ang barya sa dalaga bago idinikit sa noo nito.

Pagkadikit ay inilipat ni Joshua ang coin sa ibang daliri at inabot kay Neil Coleta. Hangang-hanga si Alexa sa pagkawala ng coin sa daliri ni Joshua nu’ng ipakita niya ang kamay niya.

Ang hindi alam ng aktres, pinagtripan siya nina Joshua at Neil sa ‘gaguhang’ magic trick.

Humahalakhak sa kanilang mga comment ang mga fan ni Alexa sa panggu-goodtime sa kanya ng dalawa. Ikinatuwa rin ng mga ito ang napanood nilang maayos na estado ng aktor.

Robin proud sa ‘Glow’ ni BB

Nagpahayag ng kanyang pagkasabik sa buhay niya sa Pilipinas si BB Gandanghari sa Instagram post tungkol sa kanya ng kapatid na si Robin Padilla.

Nag-post si Robin ng video clip ng exposure ni BB sa Netflix movie na “Glow” para ipagmalaki ang acting achievement ng kapatid at para batiin ito sa kanyang kaarawan.

May close up pa si BB sa eksena bilang fortune teller ang ginagampanan niyang role. Na-appreciate ng transwoman actor ang effort ni Robin at ang mensahe nito.

Sinabi ni BB na nami-miss na niya ang Pilipinas, pero wala naman siyang sinabi na gusto na niyang bumalik sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *