Joshua aminadong takot kay Julia

Sa gitna ng pinag­daraanan ni Julia Barretto dahil sa batikos ng mga fan, nagbahagi ito sa Instagram story ng screenshot ng conversation nilang dalawa ng ‘ex’ na si Joshua Garcia.

The post Joshua aminadong takot kay Julia appeared first on Abante News Online.

joshua aminadong takot kay julia - Joshua aminadong takot kay Julia
ABANTE joshua 1 - Joshua aminadong takot kay Julia

Sa gitna ng pinag­daraanan ni Julia Barretto dahil sa batikos ng mga fan, nagbahagi ito sa Instagram story ng screenshot ng conversation nilang dalawa ng ‘ex’ na si Joshua Garcia.

Base sa kanilang conversation, maayos pa rin silang nag-uusap at chini-cheer up pa nga siya ni Joshua.

“Malalampasan mo yan. I know you, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh :))” sabi ni Josh ayon sa screen-captured text niya kay Julia.

Nagbigay pa ng halimbawa si Joshua ng dahilan kung bakit ito takot kay Julia.

“Baba car now,” dagdag pa ni Joshua bilang halimbawa sa mga utos sa kanya ni Julia na agad umanong sinusunod nito.

Palagay ng mga fan ay pilit winu-work out ng dala­wa ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Samantala, hanggang ngayon ay walang pa­yak na paliwanag o pahayag si Julia kaugnay sa mga is­yung bumabalot sa kanyang love life ngayon, pawang mga post lamang na may kinalaman sa kanyang kasalukuyang pinagdaraanan ang makikita sa kanyang mga social media account.

Bukod pa riyan, naka-off rin ang comment section nito sa kanyang Instagram kahit na panay ang post niya ng mga random picture.

Pero siyempre, patuloy na nag-aabang ang mga fan sa magiging pahayag ni Julia. (Athena Yap)

The post Joshua aminadong takot kay Julia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *