JoshLia tuloy ang harutan sa syuting ng ‘Block Z’

Nasasalang sa isyu ng hiwala-yan ngayon sina Joshua Garcia at Julia Barretto, dahil umano sa hunk actor na si Ge-rald Anderson.

The post JoshLia tuloy ang harutan sa syuting ng ‘Block Z’ appeared first on Abante News Online.

joshlia tuloy ang harutan sa syuting ng block z - JoshLia tuloy ang harutan sa syuting ng ‘Block Z’
ABANTE joshlia - JoshLia tuloy ang harutan sa syuting ng ‘Block Z’

Plastikan ba?
tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - JoshLia tuloy ang harutan sa syuting ng ‘Block Z’

Nasasalang sa isyu ng hiwala-yan ngayon sina Joshua Garcia at Julia Barretto, dahil umano sa hunk actor na si Ge-rald Anderson.

Ito ang laman ng tweet ni Fashion Pulis at ng reply ng kanyang mga followings tungkol sa isyu.

Sa isang blind item form, sinasabing sumulpot ang cheating issue sa isang Young Actress at ang kanyang boyfriend nang may magsabi sa huli na nakita nito ang Young Actress at ang Hunk Actor na magkasamang lu-mabas sa isang private room, sa isang gym.

Pinangalanan sina Joshua, Julia at Gerald sa tweet na siyang mga bida sa kuwento.

Nagsama sina Julia at Gerald sa pelikulang “Between Maybes” na ginawa pa sa ibang bansa.

Wala pang direktang pag-amin, denial, pagli-linaw sa magkasinta- hang sina Julia at Joshua tungkol sa isyu ng hiwalayan, pero kapansin-pansin na hindi na masyadong visible si Joshua sa mga importanteng okasyon sa pamilya ng kasintahan niya, gaya na lamang ng kakatapos lang na birthday ni Marjorie Barretto.

Matagal-tagal na ring hindi nagpu-post si J­ulia ng mga larawan nila ni Joshua, at ang sweet moments nila sa isa’t isa.

Ang huling postings nito na kasama si J­oshua ay noong surprise birthday party niya last March, kung saan ang aktor ang isa sa mga special guest nito.

Pero nitong nakalipas na dalawang araw, nasa Instagram posting ni Dimples Romana ang larawan nila nina Joshua at Julia habang nagdi-dinner break mula sa ginagawa nilang movie, ang “Block Z.”

Magkatabi sa upuan sina Joshua at Julia habang kumakain. Pareho pa silang nasa happy mood, na walang indikasyon o bahid ng isyu sa sinasabing hiwalayan.

Well, antayin na lang natin ang rebelasyon ng dalawa sa isyu ng break-up at sa nababalitang ‘cheating’ sa parte ni Julia.
***

Jak madalas paiyakin si Sanya

Binibigyang kredito ni Jak Roberto ang sarili sa award na natanggap ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez, mula sa Star Awards for Movies.

Nasungkit ni Sanya ang tropeo bilang New Movie Actress of the Year para sa pelikulang “Wild and Free” na pinagbidahan rin ni Derrick Monasterio.

Ayon kay Jak sa kanyang Instagram post na may larawan ni Sanya habang hawak ang kanyang trophy, nagbunga ang pagpapaiyak niya sa kapatid noong mga bata pa sila sa award na natanggap nito kamakailan.

Lagi raw siyang binabato ng mommy nila ng mga kung ano-ano, gaya ng walis, tsinelas, sandok, hanger at iba pa sa kaka-arte raw ng sister niya, at pagsaway nga sa pambu-bully niya sa kapatid.

Proud si Jak sa natamong karangalan ni Sanya lalo’t naging bahagi siya sa pagkilala ngayon sa kakayahan bilang aktres ng huli.

***
Impersonator ni Regine tumulong sa mahihirap na bata

Tumaba na naman ang puso ni Regine Velasquez sa tweet ng isa sa kanyang tagahanga at impersonator.

Isang may Twitter account name na Jim Ian ang nag-post ng kanyang mensahe para kay Regine na nagsasabing sumama siya sa isang benefit concert at ibinigay niya ang kanyang talent fee sa c­harity para sa mga bibilhing school supplies ng mga bata.

Kalakip sa tweet ni Jim ang mga larawan niya ng impersonation kay Regine.

Nag-reply naman si Regine sa fan at sinabi nitong “Oh how wonderful.

Congratulations my dear. Keep shining for God.”

Ikinatuwa ni Regine ang ibinalita ng kanyang impersonator lalo’t sinabi nitong inspirasyon siya nito at iniidolo.

The post JoshLia tuloy ang harutan sa syuting ng ‘Block Z’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *