Jose Sixto G. Dantes IV ipinagbunyi ng showbiz

Stay-cation ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nga­yong Holy Week. Pero masayang bakasyon dahil lumabas na ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Jose Sixto G. Dantes IV nu’ng Martes nang 1:35 pm.

The post Jose Sixto G. Dantes IV ipinagbunyi ng showbiz appeared first on Abante News Online.

jose sixto g dantes iv ipinagbunyi ng showbiz - Jose Sixto G. Dantes IV ipinagbunyi ng showbiz
marian dingdong 2 - Jose Sixto G. Dantes IV ipinagbunyi ng showbiz

abante i know better jun nardo 336x224 - Jose Sixto G. Dantes IV ipinagbunyi ng showbizStay-cation ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nga­yong Holy Week. Pero masayang bakasyon dahil lumabas na ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Jose Sixto G. Dantes IV nu’ng Martes nang 1:35 pm.

Grabe ang likes sa Instagram post ni Dong ng litrato ni Yan-Yan kasama ang lalaking anak. As of this wri­ting ay mahigit 358,000 na ang likes ng post ni Dong at may mahigit sampung libong comments, huh!

Bumuhos din ang pagbati mula sa showbiz personalities gaya nina Angelica Pa­nganiban, Rocco Naci­no, Sheena Halili, Joshua Zamora, Ryan Agoncillo, Andre Paras, Derek Ramsay, Rodjun Cruz, Joyce Pring, Jerald Napoles, Diana Zubiri, Yasmien Kurdi, LJ Reyes, Kris Lawrence, Ashley Ortega, KC Montero, Kim Atienza, Dianne Medina, John Prats, Dominic Roque, Iya Villania, Ogie Alcasid, Lorna Tolentino, Gabby Eigenmann, Iza Calzado, Kyline Alcantara, Jessy Mendiola at marami pang iba.

Congratulations, Dong at Yan!

Barbie, Jak todo food trip sa Japan

Ngayong Holy Week, kanya-kanyang plano ang ilang Kapuso star. Showbiz break nga naman ito para sa kanila lalo na ‘yung merong regular series.

Para kay Jak Roberto na may daily show na “Kara Mia,” Japan ang bakasyon nila.

“First time namin ni Sanya (Lopez) na makapag-travel doon. Kasama namin si Barbie (Forteza, his girlfriend).”

Panay nga ang kain nila roon dahil mahilig talaga sila sa Japanese food.

“Baka mag-vlog ulit kami doon. Kaya abangan niyo ‘yan sa ‘Ahhh! Bida-Bida’ channel namin ni Sanya.”

Plano namang maglipat ng bahay ng mag-asawang Pancho Magno at Max Collins ngayong Holy Week.

“Ito lang po ang mga araw na pareho kaming walang work,” saad ni Pancho.

Wala namang planong magbakasyon ng bida sa Sahaya na si Bianca Umali. “Araw-araw ang taping namin sa Batangas hanggang Wednesday. Napakalayo po ng location namin.

But then, we chose to stay there, we chose to work hard and magtuloy-tuloy para lang po makapag-deliver kami ng kung ano ‘yung makapagpapasaya sa mga tao.”

Huwebes Santo na ngayon. Puno ang mga simbahan dahil sa araw na ito ginagawa ang tradis­yunal na Visita Iglesia.

Bakasyon man kayo o sa bahay lang, ating alalahanin ang tunay na mensahe ng Mahal na Araw gaya ng sakripisyo sa bisyo at pagkain!

The post Jose Sixto G. Dantes IV ipinagbunyi ng showbiz appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *