Jose Mari naaliw sa mga meme

Pagtungtong ng ‘Ber’ months, siguradong tutugtog na agad ang mga Christmas song sa bansa lalong-lalo na ang tugtugin ng singer na si Jose Mari Chan.

jose mari naaliw sa mga meme - Jose Mari naaliw sa mga meme
jose - Jose Mari naaliw sa mga meme

Pagtungtong ng ‘Ber’ months, siguradong tutugtog na agad ang mga Christmas song sa bansa lalong-lalo na ang tugtugin ng singer na si Jose Mari Chan.

Kalahati pa lang ng taon ay sumusulyap-sulyap na sa social media ang mga meme tungkol kay Jose Mari, at ngayon, heto na nga ang ‘Ber’ months, ang pinakahihintay ng maraming Pinoy. Lilitaw, kakanta na nga si Jose Mari!

Eh paano ba naman, tumatak na talaga sa puso at isip ng madla ang kanta nitong “Christmas In Our Hearts”.

Anyway, nagbahagi naman ng reaksyon si Jose Mari tungkol sa pagkalat ng kanyang mukha at kanta sa social media bago pa man dumating ang Ber months.

Ayon sa singer, labis itong na-flatter na siya nga ang naiisip ng mga fan sa pagsapit ng Ber months pero tanging hiling o payo naman niya ay huwag naman sana gumawa ng mga meme na nakakasakit ng damdamin ng sinuman.

Nagkalat nga sa iba’t ibang social media platform ang mga meme tungkol dito, kanya-kanyang pakulo ang bawat fan at Facebook page sa pagpapalaganap ng Christmas alert.

At bumebenta nga ang mga meme na iyon maging sa bata man o matanda. Malamang, marami pang aariba na meme sa mga susunod na araw lalo sa pagsapit mismo ng Disyembre. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *