Jose Manalo walang ‘K’ mag-judge sa ‘StarStruck’

Nakakatuwang malaman na kabilang sa mga uupong judge ng “StarStruck 7” ay ang “Eat Bulaga” TV host-comedian na si Jose Manalo. Makakasama ni Jose sina Heart Evangelista at Cherie Gil bilang judges sa mga magiging contestant ng original reality artista search sa GMA-7.

The post Jose Manalo walang ‘K’ mag-judge sa ‘StarStruck’ appeared first on Abante News Online.

jose manalo walang k mag judge sa starstruck - Jose Manalo walang ‘K’ mag-judge sa ‘StarStruck’
Jose Manalo - Jose Manalo walang ‘K’ mag-judge sa ‘StarStruck’

Nakakatuwang malaman na kabilang sa mga uupong judge ng “StarStruck 7” ay ang “Eat Bulaga” TV host-comedian na si Jose Manalo. Makakasama ni Jose sina Heart Evangelista at Cherie Gil bilang judges sa mga magiging contestant ng original reality artista search sa GMA-7.

Maraming netizens ang nagtatanong kung bakit kasama si Jose? Naging basehan siguro ang pagiging mahusay na komedyante ni Jose kaya isa siya sa sinama sa judges ng “StarStruck.”

Hindi lang naman pang-leading man o leading lady ang hanap ng “StarStruck”, kundi ang pagiging versatile ng mga contestant. Ilang contestants nga ang mas nag-excel bilang mga komedyante tulad nila Sef Cadayona, Kevin Santos, Dave Bornea at Jan Manual, kaya nasa kamay ni Jose kung sino ang puwedeng maging mga bagong komedyante.

Inamin ni Jose na kinakabahan siya na umupo katabi sina Cherie at Heart dahil alam niya ang kakayahan ng mga ito na maging isang judge.

Pero may sariling comic style si Jose kaya mukhang magiging enjoy panoorin ang “StarStruck” dahil sa kanya. (Ruel Mendoza)

The post Jose Manalo walang ‘K’ mag-judge sa ‘StarStruck’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *