Jona bibili ng bahay para sa 15 aso, 40 pusa

Fearless diva kung kilalanin si Jona at sa pag-guest niya sa “TWBA,” tinanong siya ni Tito Boy kung may kinatatakutan siya, ang sagot niya, “Opo, for my love ones.”

The post Jona bibili ng bahay para sa 15 aso, 40 pusa appeared first on Abante News Online.

jona bibili ng bahay para sa 15 aso 40 pusa - Jona bibili ng bahay para sa 15 aso, 40 pusa
jona - Jona bibili ng bahay para sa 15 aso, 40 pusa

Fearless diva kung kilalanin si Jona at sa pag-guest niya sa “TWBA,” tinanong siya ni Tito Boy kung may kinatatakutan siya, ang sagot niya, “Opo, for my love ones.”

Kuwento ni Jona, nakakuha na siya ng bahay at lupa para sa kanyang pamilya pero kailangan pa rin daw maghanap ng isa pa para naman sa kanyang mga “special rescues,” ang mga aso at pusa na inaalagaan niya.

Umaabot na sa 15 na aso ang na-rescue niya habang nasa 40 naman na ang inaa­lagaan niyang pusa.

Hindi rin napigilan ni Jona na maging emotional sa pagkuwento tungkol sa aso na na-rescue niya, na may cancer daw. Ipinaopera raw niya ang aso, pero sinabihan siya ng doktor na posible pang bumalik ang cancer sa likod ng aso.

At after 4 months ay bumalik nga ang cancer at sumailalim ulit sa pangalawang surgery pero tinaningan na raw ng doktor ng isang buwan at doon na nga bumuhos ang emosyon ng singer.

Hindi raw niya mapigilang maging emosyonal dahil sa naalala niyang memories sa naturang aso at pamilya na kung ituring niya ay anak. Maski nga raw sa pagtulog ay kasama niya ito.

Dahil dito ay labis hinangaan ng mga fan si Jona, dahil napakabuti nga raw ng puso ng singer.

The post Jona bibili ng bahay para sa 15 aso, 40 pusa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *