Jomari, Anjo ayaw nang makialam sa ipinasarang school sa Lucena

Wala na sa poder nina Jomari at Anjo Yllana ang pamamalakad sa naipasarang school ng mga Yllana sa Lucena, Quezon. Giit ng aming source na nakausap namin nu’ng Miyerkoles ng hapon via FB Messenger, ipinaubaya na raw ang pamamalakad ng school sa kapatid nila na si Ryan Yllana at sa misis nito.

jomari anjo ayaw nang makialam sa ipinasarang school sa lucena - Jomari, Anjo ayaw nang makialam sa ipinasarang school sa Lucena
anjo and jomari - Jomari, Anjo ayaw nang makialam sa ipinasarang school sa Lucena

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 21 336x224 - Jomari, Anjo ayaw nang makialam sa ipinasarang school sa LucenaWala na sa poder nina Jomari at Anjo Yllana ang pamamalakad sa naipasarang school ng mga Yllana sa Lucena, Quezon. Giit ng aming source na nakausap namin nu’ng Miyerkoles ng hapon via FB Messenger, ipinaubaya na raw ang pamamalakad ng school sa kapatid nila na si Ryan Yllana at sa misis nito.

Kuwento ng aming informant, dating negosyo ni Anjo ang nasabing paaralan pero ibinigay na niya ito sa kanyang nasabing kapatid, na si Ryan nga.

Bagama’t nasa papel ang mga pangalan nina Anjo at Jomari bilang mga incorporator ay hindi na sila nakikialam sa naturang paaralan.

Umaasa sina Jomari at Anjo na maaayos ang problema o isyung ito sa kanilang kapatid at sa paaralan.

Busan trip ni Jericho hinarang ng bagyo

Naudlot ang dapat sana ay red carpet appearance ni Jericho Rosales para sa Busan International Film Festival, na kung saan ay kalahok ang short film niyang “Basurero” na dinirehe ni Eileen Cabiling.

Ayon sa Instagram post ni Jericho ng photo clip ng pelikula niya, kanselado ang kanilang flight patungong Korea dahil sa bad weather. Kaya hihintayin na lang daw niya ang kanyang pelikula at iba pang mga magagandang local films sa Manila.

“My flight to Korea was cancelled because of bad weather. But that won’t stop me from getting excited for everyone at the Busan International Film Festival from watching good movies and moving shorts like our film in competition – ‘BASURERO’. Cheers to one of the female directors I’ve worked with @eileencabiling! Have fun and I’ll see you (and our film) in Manila,” sabi ni Jericho.

Isa ang nasabing pelikula ni Jericho na sinusuportahan ni FDCP ni Chair Liza Diño para sa BIFF sa South Korea.

Angel ngumalngal sa last taping ng ‘TGD’

Napuno ng separation anxiety ang buong taping ng “The General’s Daughter” sa ginawang last taping nito kamakailan lang. Nag-post si Eula Valdez ng ilang mga larawan nila sa kanyang Instagram kasama ang ilang cast na sina Angel Locsin, JC De Vera at Tirso Cruz III.

Emosyonal pareho sina Angel at Eula na makikita sa mga photo. Pero mas maraming ngalngal si Angel na apektado nang husto sa hiwalayan nito sa kanyang mga co-star sa serye.

Sabi nga ni Eula sa caption, “#ARAGUUUY #kasakit Sepanx @therealangellocsin.”

Sa post naman ni Angel sa kanyang IG, kasama na nito ang ibang mga co-actor na sina Ryza Cenon at Janice de Belen. Naglalaro na lang ang lahat at inaarte na lang ang kanilang pag-iyak.

Sinigurado naman ni Ryza sa parehong photo post na hindi sila tuluyang magkakawatak-watak na magkakasama dahil magkikita pa rin silang lahat.

Sa pagtatapos ng “TGD”, magkakaroon na ang mas maraming oras si Angelpra sa preparasyon ng kanyang kasal next year.

Claudine humingi ng dasal para sa amang may sakit

Humihingi ng dasal si Claudine Barretto para sa kanyang ama na nasa hospital sa kasalukuyan. Nag-post si Claudine ng larawan ng mga kamay ng kanyang ina at ama na magkahawak.

Ipinakita ni Claudine sa kanyang Instagram na sa mga ganitong sandali ay solid pa rin ang kanyang mga magulang.

Ayon sa caption, ang ina ni Claudine ang pinaka-lakas ng kanilang ama. Eh 61 years na ngang mag-asawa ang mga magulang ni Claudine.

Sa sumunod na post ni Claudine, ipinakita niya ang larawan ng kanyang mga kamag-anak mula sa Subic na dumalaw sa kanyang ama.

Dalangin ng mga supporter ng aktres na gumaling na ang daddy nito at makalabas na sa ospital ang matanda.

May mga nagdarasal din na sana ay dalawin ni Gretchen ang tatay niya sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *