Jolo ‘di pa nagpu-propose kay Angelica

Kahit na naglalabasan na ang balitang kasalan sa pagitan ng Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla at beauty queen girlfriend nito na si Angelica Alita, ngingiti-ngiti at todo-iwas si Jolo na kumpirmahin ang balita.

The post Jolo ‘di pa nagpu-propose kay Angelica appeared first on Abante News Online.

jolo di pa nagpu propose kay angelica - Jolo ‘di pa nagpu-propose kay Angelica
jolo 3 - Jolo ‘di pa nagpu-propose kay Angelica

Kahit na naglalabasan na ang balitang kasalan sa pagitan ng Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla at beauty queen girlfriend nito na si Angelica Alita, ngingiti-ngiti at todo-iwas si Jolo na kumpirmahin ang balita.

Isa si Jolo sa talagang umikot para batiin at pasalamatan ang mga tao na sumuporta sa naging kandidatura nila noong nakaraang eleksyon, lalo na ng kanyang ama na si Senator Bong Revilla Jr. Kasama ni Jolo na umiikot sa mga tao sa Frabelle Building ang girlfriend sa naging thanksgiving party nila.
Sabi namin kay Jolo, taon niya ang 2019.

“Paano naman natin masasabing it’s my year?” natawang sagot niya.
Tawa pa rin ang sagot niya nang sabihin namin na kasi nga, before the year ends, may malaking event na magaganap.

“Wala pa, wala pa, kayo pa lang, pinangungunahan niyo ko.”
Nag-propose na siya?

“Wala pa, Ha ha ha! Kayo naman ang unang makakaalam, siyempre parte na rin kayo ng buhay ko. Hindi naman namin maitatago ‘yun sa inyo, malalaman at malalaman din.”

Inamin naman ni Jolo na masaya siyang talaga ngayon at ang girlfriend daw ang taong nagpapasaya sa kanya.

“Oo naman, siya talaga ang taong nagpapasaya sa akin.”
Sabay sabi ng, “oo naman!” nang sundan namin ng tanong na si Angelica na talaga.

Sa kabila ng wala pang tahasang pag-amin mula kay Jolo, maingay na talaga ang balitang sa December sila ikakasal.

Sen. Revilla walang balak maghiganti sa mga kalaban

Halatang kahit paano, nakapa-hinga o naka-relax-relax na rin ang bagong elect na Senator na si Bong Revilla Jr. nang duma-ting ito sa naging thanksgiving party niya.

Sa pagka-panalo nga niya, masasabi niyang parang vindicated na rin siya sa mga nanghuhusga at namba-bash sa kanya lalo na noong panahon ng eleksyon.
“Vindicated ako… siyempre, nagpapasalamat ako sa mga sumuporta sa akin, sa mga nagmamahal kay Bong Revilla, salamat. Maraming hugot, pinagdaanan,” nakangiti niyang sabi.

Sa ngayon, ang mas p­rayoridad daw niya at gustong pagtuunan ng pansin ay kung paano makaka-tulong lalo na sa mga mahihirap.

“Ang importante, magkaisa tayong lahat. Hindi ako bumabalik para maghiganti sa mga kalaban natin. Bumabalik tayo para sa mga kababayan natin na kailangang tulungan, lalong-lalo na ‘yung mga kailanman ay hindi tayo p­­inabayaan.”

Pinatawad na raw niya ang mga n­aging kalaban n­­iya. Pero sabi nga niya, “Masakit man, hindi mo maiaalis, kapag nagpe-Facebook ka, pero ah, okay…”

Alam naman daw niyang mga trolls ang karamihan at hindi totoo. Masama lang, may nahihila pa rin ang mga ito.

Hindi rin daw siya mapagtanim ng sama ng loob. At kilala raw siya na hindi siya mapaghiganting tao. Kahit ‘yung mga kasamahan niya sa industriya na namba-bash o nega sa kanya, sinabi na lang niya na, “wala na sa akin ‘yun, ewan ko kung makonsensiya ‘yung iba”.

‘Yun nga lang, kahit excited at gustong-gusto na sanang gumawa ng pelikula ni Bong, kinumpirma na rin niya na hindi pa muna siya makakagawa ng movie even for Metro Manila Film Festival. (Rose Garcia)

The post Jolo ‘di pa nagpu-propose kay Angelica appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *