Jolo, Angelica pakakasal sa Disyembre

Ikinuwento na naman sa akin ng isang malapit kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla na sa December na talaga pakakasalan ng actor/politician ang girlfriend niyang si A­ngelica Alita.

The post Jolo, Angelica pakakasal sa Disyembre appeared first on Abante News Online.

jolo angelica pakakasal sa disyembre - Jolo, Angelica pakakasal sa Disyembre
Jolo Revilla - Jolo, Angelica pakakasal sa Disyembre

abante anything goes jun lalin 336x224 - Jolo, Angelica pakakasal sa DisyembreIkinuwento na naman sa akin ng isang malapit kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla na sa December na talaga pakakasalan ng actor/politician ang girlfriend niyang si A­ngelica Alita.

Actually, walang denial si Jolo sa tsikang engaged na sila ni A­ngelica dahil totoo naman daw ‘yon.

Hindi nga raw ikinakaila ni Jolo sa mga malalapit sa kanya ang tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Angelica.

Sabi, sobrang in love si Jolo kay Angelica. Mahal na mahal rin daw ng dalaga ang actor/politician.

Aktor, non-showbiz GF matagal nang nagpatali

Mali pala ang akala ng marami na binatang ama ang isang aktor. May nakapagtsika sa akin na bago pa nagkaroon ng anak sa kanyang non-showbiz girlfriend si aktor ay nagpakasal na pala sila ng civil.

Pero secret nga lang ‘yon. Noong una raw, gusto ni aktor na pakasalan agad sa simbahan si girl bago pa isilang ang kanilang baby, pero hindi natuloy ‘yon.

Ngayon na naman ay lihim ang kanilang pagsasama at may anak na nga sila, i­naayos na raw ni aktor ang kanilang kasal.

Baka very soon na nga raw ay magkuwento na si aktor tungkol sa plano nilang church wedding.

Well…

Ogie hilong-hilo sa tindi ng jetlag

Akala ko ay dumiretso na sa work si Ogie Alcasid noong Wednesday nang dumating sila ng mag-ina niyang sina Regine Velasquez-Alcasid at Nate, pero nag-rest daw muna sila.

Kahit daw sanay na siyang nagta-travel palagi ay affected pa rin, at nahihilo raw siya ng jetlag. Nang ka-text ko nga kahapon si Ogie ay sobra raw siyang nadye-jetlag, kaya two days rest daw siya.

Bale today pa raw siya magwo-work bilang hurado sa ‘TNT’ ng “It’s Showtime.”

After naman ay may meeting na siya sa kanyang A-Team para pag-usapan ang mga de-talye sa “Ian: In Color” concert ni Ian Veneracion on July 11 and 12 sa Music Museum.

The post Jolo, Angelica pakakasal sa Disyembre appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *