Jolo, Angelica kasal binuking ni Lolit

Naku, panay ang iwas ni Cavite Vice Go­vernor Jolo Revilla at ng sinasabing fiancée niyang si Angelica Alita na matanong tungkol sa nalalapit nilang kasal sa California, USA on December 8.

The post Jolo, Angelica kasal binuking ni Lolit appeared first on Abante News Online.

jolo angelica kasal binuking ni lolit - Jolo, Angelica kasal binuking ni Lolit
Jolo Revilla 1 - Jolo, Angelica kasal binuking ni Lolit

abante anything goes jun lalin 336x224 - Jolo, Angelica kasal binuking ni LolitNaku, panay ang iwas ni Cavite Vice Go­vernor Jolo Revilla at ng sinasabing fiancée niyang si Angelica Alita na matanong tungkol sa nalalapit nilang kasal sa California, USA on December 8.

Noong thanksgiving party ng tatay niyang si Senator Bong Revilla ay umiwas silang matanong tungkol doon.

Pero kahit hindi naman sila nagsasalita, ‘yung mga taong sinabihan na nila at inimbitahang pumunta sa kanilang kasal ay open na tungkol doon, huh!

Si Manay Lolit Solis nga na kasamang aalis pa-Los Angeles ay hindi inililihim ang tungkol doon.

Sabi lang ni Manay Lolit, “Baka tahimik sila dahil ayaw nila na maraming magsasabi na sasama. Pero marami na rin naman ang nakakaalam. Feeling ko, hindi naman talaga inililihim.”

Hindi raw ninang si Manay Lolit dahil sinabi na niya kay Jolo na ninang na siya sa kasal ng parents nito (Sen. Bong at Bacoor City Mayor Lani Mercado), kaya hindi na bagay na ninang pa rin siya sa kasal nina Jolo at Angelica.

Sabay-sabay raw aalis pa-L.A. dahil group booking ‘yung ginawa para mas makamura.

“Ang alam ko, si Manny Pacquiao ang nagturo kay Jolo na kailangan sabay-sabay. Group booking para makamura. May discount daw ‘pag ganoon. Para hindi mahal.

“Kailangan sabay-sabay na aalis. Ang alam ko, December 6 yata ang alis para makapag-rest pa ng December 7 at December 8 nga ang kasal.

“Marami kasi ang invi­ted kaya kailangan ganoong booking para mas makamura nga. Ganoon ang itinuro ni Manny kay Jolo,” sabi pa ni Manay Lolit.

Biniro ko si Manay Lolit na kung gaano katahimik sina Jolo at Angelica ay very vocal naman siya sa pagkukuwento kapag tinatanong.
“Hahaha!” halakhak lang ni Manay Lolit.

Well…

Ken, Rita bibida ulit sa GMA serye

Hindi pala tuluyang mawawala ang BoBrey love team nina Ken Chan at Rita Daniela.

May new series pala silang pagbibidahan sa GMA-7. Malapit na raw simu­lan ‘yon.

Sobra raw ka-sing dami ng request ng fans na pagbidahin ulit sina Ken at Rita sa isang series.

At this time, mukhang pang-primetime ‘yon, huh!

Pumatok nga ang tandem ng dalawa sa “My Special Tatay” na pang-hapon na serye sa Kapuso network.

4 bigating artista pagsasamahin sa pelikula

Isa sa mga araw na ito ay ia-announce na ng Star Cinema ang isang pelikulang pagsasamahan ng apat na big stars.

Noong una ay na-announce na ang pelikulang ‘yon, pero may mababawas sa cast at may bagong ipapalit na mas exciting ang dating.

Very big movie ‘yon na puwedeng ma­ging blockbuster.

Basta, na-excite ako doon!

The post Jolo, Angelica kasal binuking ni Lolit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *