‘Joker’ ni Joaquin Phoenix bawal sa mga bata

Inilabas na ng Warner Bros. ang pinakaaabangan na full trailer ng pelikulang “Joker”.

joker ni joaquin phoenix bawal sa mga bata - ‘Joker’ ni Joaquin Phoenix bawal sa mga bata
joker - ‘Joker’ ni Joaquin Phoenix bawal sa mga bata

HOLLYWOOD

Inilabas na ng Warner Bros. ang pinakaaabangan na full trailer ng pelikulang “Joker”.

Pagbibidahan ito ng Hollywood star na si Joaquin Phoenix bilang Arthur Fleck. Istorya ng isang lala­king nag-aa­sam maging ko­medyante na hindi alam kung paano at saan lulugar sa Gotham City.

Kinalaunan ay nakatagpo ng paraan para makamit ang inaasam na kasikatan, pero sa masamang paraan.

Anyway, dahil sa madilim na karakter ni Joker, bibigyan umano ito ng ‘R’ rating dahil sa pagkakaroon ng “bloody violence, disturbing behavior, language and sex,” kum­para sa mga dati nang lumabas na istor­ya tungkol sa iconic villain.

“We didn’t follow anything from the comic books, which people are gonna be mad about,” sabi ni Todd Philipps na direktor ng pelikula.

“We just wrote our own version of where a guy like Joker might come from. That’s what was interesting to me. We’re not even doing Joker, but the story of becoming Joker. It’s about this man,” dagdag pa ni Philipps.

Si Philipps ay na­ging direktor rin ng sikat na pelikulang “The Hangover”.

Anyway, bukod pa kay Phoenix, kabilang din na gaganap sa naturang pelikula sina Robert De Niro, Zazie Beetz, Frances Conroy, Marc Maron at Brian Tyree Henry.

Samantala, mara­ming fan ang sang-ayon at natuwa na si Phoenix ang gaganap bilang Arthur Fleck dahil naniniwala ang mga ito na mabibigyan ng aktor ng magandang resulta ang Joker role.

Dahil nga riyan, mas excited na ang mga fan na manood ng “Joker” sa darating na Oktubre.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *