John Mark Saga pinahanga si Kitchie Nadal

Kanya-kanyang pasiklaban sa pag-awit ang mga TNT contender noong Sabado sa Huling Tapatan ng “Tawag Ng Tanghalan” Season 3.

john mark saga pinahanga si kitchie nadal - John Mark Saga pinahanga si Kitchie Nadal
john mark saga x kitchie - John Mark Saga pinahanga si Kitchie Nadal

Kanya-kanyang pasiklaban sa pag-awit ang mga TNT contender noong Sabado sa Huling Tapatan ng “Tawag Ng Tanghalan” Season 3.

Pasabog ang mga naging performance ng bawat isa, gaya nga ng grand champion na si Elaine Duran na kumanta ng “Nadarang”, kung saan bumilib ang mga hurado sa kanyang rap skills.

Pumangalawa naman si John Mark Saga na pinahanga at napatayo ang mga hurado sa version nito ng “Wag Na Wag Mong Sasabihin”.

Puno naman ng kabanalan at kinilabutan ang mga hurado sa naging performance ni John Michael Dela Cerna sa kantang “Hallelujah”, siya nga ang nakakuha ng ikatlong puwesto.

Pero guess what? Bukod pa sa mga hurado, humanga rin ang original singer mismo ng kantang “Wag Na Wag Mong Sasabihin” na walang iba kundi si Kitchie Nadal sa naging performace ni John Mark.

Wala ngayon sa bansa ang naturang singer dahil pinili na nitong mag-focus sa kanyang pribadong buhay kasama ang kanyang pamilya, at nakarating nga sa kanya ang video ng pagkanta ni John Mark at labis nga na humanga si Kitchie. Aniya, kamangha-mangha ang naging rendition nito.

Well, marami rin sa mga friends nito sa FB ang sumang-ayon sa singer.

Aba, hindi man naiuwi ni John Mark ang mismong grand champion title, eh wagi naman ito sa compliment na natanggap mula sa original singer ng kantang inawit niya. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *