John Lloyd pumalag sa panggagamit ng producer/direktor

Pumalag si John Lloyd Cruz sa sabi-sabing panggagamit sa kanya ng producer, director ng pelikulang “Cullion”. Sa presscon kasi ng movie na ito ay biglang lumabas nga sa trailer ang mukha ni John Lloyd, na makikita pa rin naman sa social media.

john lloyd pumalag sa panggagamit ng producer direktor - John Lloyd pumalag sa panggagamit ng producer/direktor
JLC - John Lloyd pumalag sa panggagamit ng producer/direktor

Pumalag si John Lloyd Cruz sa sabi-sabing panggagamit sa kanya ng producer, director ng pelikulang “Cullion”. Sa presscon kasi ng movie na ito ay biglang lumabas nga sa trailer ang mukha ni John Lloyd, na makikita pa rin naman sa social media.

Kung maglabasan kasi ang write-up kaugnay ng movie eh parang comeback film niya ito, huh!

Kaya hindi nakatiis si John Lloyd, at nagpadala ng mensahe sa ANCX nu’ng Martes nang gabi. Para nga naman maliwanagan agad ang lahat, na hindi siya bida sa movie na ‘yon.

“But as much as I am drawn to the idea of letting may work, of any kind, have its own life and takes its own course in terms of output (unmindful of how it mutates, grows and sometimes gets diminished) I am also wary of misleading an audience.

“That wouldn’t be fair Hence, I felt compelled to clear my participation in the film.”

Sa totoo lang, nagmukhang kawawa ang mga totoong bida sa pelikula dahil si John Lloyd ang mas binigyan ng importansya kesa sa kanila, huh!

Bigyan naman ng kaukulang respeto si John Lloyd! At pati na ang bida ng movie noh! (Jun Nardo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *