John Lloyd hindi na mabaho, malinis na ang itsura

Lately ay maayos at clean looking na si John Lloyd Cruz, after ng mahabang
panahon na puro balbas ang itsura niya, na akala mo ay ermitanyo at medyo mabaho.

john lloyd hindi na mabaho malinis na ang itsura - John Lloyd hindi na mabaho, malinis na ang itsura
jlc 2 - John Lloyd hindi na mabaho, malinis na ang itsura

Joe Barrameda Talbog 336x224 - John Lloyd hindi na mabaho, malinis na ang itsuraLately ay maayos at clean looking na si John Lloyd Cruz, after ng mahabang
panahon na puro balbas ang itsura niya, na akala mo ay ermitanyo at medyo mabaho.

Pero sa itsura niya ngayon ay maaliwalas at nakangiti na sa mga picture niyang lumalabas, na kuha sa Moal Boal sa Cebu na malapit sa Toledo City. Mabango na nga raw ulit ang datingan ni Lloydie ngayon.

Mukhang nalalapit na talaga ang pagbabalik niya sa showbiz, dahil nakikita na nga ulit namin ang John Lloyd na kilala namin noon na maaliwalas at palaging nakangiti.

Naalala namin si Nenet na Senior Handler niya sa ABS-CBN nang tanungin namin kung kailan magbabalik showbiz ang alaga niya. Ang naging sagot niya ay kapag nag-ahit na raw ito ng balbas niya ay siguradong babalik na ito sa showbiz.

Kaya ‘yan ang tumatak sa amin at naalala namin nang makita namin ang itsura ni Lloydie ngayon. Hope to see you soon Lloydie.

Jeric, Mark, Yasser nagpagalingan umarte

Isang magandang episode ng Magpakailanman ang napanood namin noong
Sabado ng gabi sa GMA 7. Sina Mark Herras, Jeric Gonzales at Yasser Marta
ang mga main character sa kuwento bilang magkakapatid na nawalan ng mga magulang at an early age.

Dahil si Mark Herras ang panganay ay naiwan sa kanyang pangangalaga ang dalawang kapatid na kumagat sa patalim para lang mabuhay sila, na sa bandang huli ay lahat na sila ay napaariwara sa bentahan ng ipinagbababwal na gamot.

In fairness sa kanila ay nagampanan nila ng maayos ang mga role nila. Tama si Jeric sa kuwento niya sa amin noon na medyo mabibigat ang mga eksena nila.

Sabi nga ni Jeric na parang siya ang bida which was confirmed by the Program Manager na humawak sa programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *