John Lloyd-Ellen relasyon lalong tumibay sa inuman

Going strong ang ‘friendship’ nina Beauty Gonzales at Ellen Adarna. Magkasama nga ang dalawa sa bakasyon ngayon.

The post John Lloyd-Ellen relasyon lalong tumibay sa inuman appeared first on Abante News Online.

john lloyd ellen relasyon lalong tumibay sa inuman - John Lloyd-Ellen relasyon lalong tumibay sa inuman
John Lloyd Cruz Ellen - John Lloyd-Ellen relasyon lalong tumibay sa inuman

abante paistaran dondon sermino 336x224 - John Lloyd-Ellen relasyon lalong tumibay sa inumanGoing strong ang ‘friendship’ nina Beauty Gonzales at Ellen Adarna. Magkasama nga ang dalawa sa bakasyon ngayon.

At siyempre, kasama ni Beauty ang dyowa at anak niya. At si Ellen, hindi rin siyempre pakakabog dahil ka-join din niya ang mister niyang si John Lloyd Cruz.

At sa Instagram photo ni Beauty, makikita na dalawang bata ang kasama nila. Ang isa nga ay ang anak niya, at ang isa, malamang ay ang anak nina Ellen at Lloydie.

Happy friendship, happy couple nga ang makikita mo sa kanila. Taliwas sa chika na parang hiwalay na sina John Lloyd at Ellen, ha!

Feel na feel mo ang closeness kina Ellen at Beauty, na dahil medyo nakainom na sila ng ‘wine’ kaya mas bongga ang mga IG video nila. Tukaan nang tukaan ang dalawa, kasabay ang malulutong na halakhak.

Anyway, ang itsura ni John Lloyd? Ganu’n pa rin naman, long hair pa rin, balbas-sarado pa rin. Parang medyo nahahawig na nga siya sa mister naman ni Beauty.

May IG video pa si Beauty na pinapakita na sina John Lloyd at mister niya ang nag-aalaga ng mga anak nila, habang nagkukuwentuhan.

Sisi, Baldo pinakamahuhusay na volleyball player kina Webb, Sison

Para sa mga host ng “Fastbreak”, sina Alyssa Valdez, Sisi Rondina at Bea de Leon ang maituturing na pinakamahuhusay na volleyball player sa Pilipinas ngayon.

“Masarap manood ng volleyball games ng mga babae. Nakaka-attract ang ganda ng mga player. Walang malice ‘yon, ha!” sabi ni Freddie Webb.

Si Boyet Sison naman ay sobrang hangang-ha-nga kay Sisi, na kahit hindi nga raw katangkaran, pumapatay talaga ng bola.

Nakakaaliw panoorin ang dalawa, dahil ang lakas din nilang mag-asaran sa radio. Feeling ni Boyet, mas bata si Freddie sa kanya kung asar-asarin niya.

Anyway, bukod sa “Fastbreak” na napapanood/napapakinggan tuwing Sabado ng 3 pm, kaabang-abang din ang mga programang tumatalakay naman sa problema ng mga Pilipino.

Naririnig nga ang boses ng mga Pilipino tuwing Sabado at Linggo sa DZMM, sa tulong ng mga a­nchor ng mga programang “Magpayo Nga Kayo” at “Sagot Ko ‘Yan.”

Tuwing Sabado ng 9:30 am, magkasangga ang bigating tandem nina May Valle-Ceniza at Atty. Joey Lina sa pakikinig sa pananaw at suhestyon ng mga ordinaryong Pilipino sa mga isyung malapit sa kanilang puso at nakakaapekto sa kanilang buhay.

Sa kabilang programa ni Joey na “Sagot Ko ‘Yan” tuwing Linggo naman ng 8 am, ineengganyo rin ang mga tagapanood sa DZMM TeleRadyo at tagapakinig sa DZMM Radyo Patrol 630 na makisali sa diskusyon tulad ng sa isang Barangay Hall assembly matapos niyang ipaliwanag at himayin ang isyung tatalakayin.

The post John Lloyd-Ellen relasyon lalong tumibay sa inuman appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *