John Lloyd ‘di na nakakasama ang anak kay Ellen

Madalas na ngang nasisilip ng mga netizen ang anak ni John Lloyd Cruz sa Instagram ni Ellen Adarna. Recently nga ay ipinakita ni Ellan ang video na nagsu-swimming sila ng anak niya.

The post John Lloyd ‘di na nakakasama ang anak kay Ellen first appeared on Abante.

john lloyd di na nakakasama ang anak kay ellen - John Lloyd ‘di na nakakasama ang anak kay Ellen
John Lloyd Cruz - John Lloyd ‘di na nakakasama ang anak kay Ellen

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - John Lloyd ‘di na nakakasama ang anak kay EllenMadalas na ngang nasisilip ng mga netizen ang anak ni John Lloyd Cruz sa Instagram ni Ellen Adarna. Recently nga ay ipinakita ni Ellan ang video na nagsu-swimming sila ng anak niya.

Makikita na umaapaw sa ligaya ang mukha ng bata sa eksena nito sa dagat. Priceless na matatawag ang mga pagkakataon na `yon, na hindi nai-experience ni John Lloyd dahil hindi siya kasama.

Pero, hindi maitatanggi na habang lumalaki ay nagiging kahawig ni John Lloyd ang anak niya. Ganun na ganun nga raw ang itsura ni John Lloyd noong bata pa ito, lalo na sa bahaging ilong at baba.

Richard Yap nganga pa rin sa trabaho

Hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan kung kailan magkakaroon ng regular TV project si Richard Yap. Naka-plug na sa TV5 at Net25 ang paglabas ng ilan sa mga kapwa Kapamilya star niya, pero siya ay wala pang paramdam kung kailan sasalang sa trabaho.

Mismong si Richard na ang sumagot sa tweet ng isang fan.

@RiChennatiques: “Miss you Sir Richard…when will we see you again…physically and on TV? Project for Richard Yap.”

“I wish I had the answer, but only the network can answer that question,” sagot ni Richard.

***

Boobs ni Gabbi minaliit ng yakman

Isa palang licensed scuba diver si Gabbi Garcia. Ito ang bumulaga sa kanyang mga Instagram follower nang i-post ng dyowa niyang si Khalil Ramos ang photo nila sa diving site na Dive & Trek Resort And Marine Sanctuary sa Batangas.

Parehong nakasuot ng scuba suit ang dalawa at nasa itsura nila na kakatapos lang sumisid.

Kinabog ni Gabbi sina Luis Manzano, Jessy Mendiola, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at iba pang celebrity scuba diver, dahil 10 years na nga siyang licensed scuba diver.

“I’ve been a licensed Scuba Diver since 2010, but every dive still gives me goosebumps. Marine life is so precious…” sabi ni Gabbi.

Unang pagtatangka naman ni Khalil na mag-scuba at si Gabbi mismo ang umalalay rito.

“I’m also happy that @khalilramos and my friends had their very first intro dive!!! They were also taught by my ninong Bell who was also my dive instructor when i was 10 years old. A very happy weekend indeed,” say pa ulit niya.

Maganda na sana ang post na ‘yon ni Gabbi, pero may yakman na netizen na bumastos at pinuna ang kanyang dibdib. Nakuhang pintasan ng fan si Gabbi gayong balot na balot na nga ang katawan ng aktres.

@ph_chicagohuntsmen: “Ang malas naman ng bf mo inday…wala ka man lang kadede-dede hahahaha!”

Joseph, Darja sagad sa harutan

Umaalingasaw sa social media ang tamis ng lambingan nina Joseph Marco at Russian model girlfriend nitong si Darja Romanova. Bukod sa mga pinoste nilang mga larawan na magkasama, may mga caption ito na punung-puno ng harutan.

Sa larawan nila habang nasa resto, umariba ng kanyang pagiging hopeless romantic ang hunk actor, na nagsabing “forever” na ang kanilang pag-iibigan ni Darja.

“I have no wish other than to have you for the rest of my life,” sabi ni Joseph.

Hindi naman nagpahuli sa birthday message si Darja para kay Joseph.

“I found myself in you. Happy birthday twin. Happy birthday Mr. Marco,” paandar naman nito.

Michelle lusaw sa pag-ibig ni Enzo

Kung nakakalusaw lang ang papuri, siguradong tunaw na si Michelle Vito. Kulang na lang ay ilagay ni Enzo sa pedestal si Michelle at sambahin dahil sa deskripsyon nito.

Nagposte si Enzo sa Instagram ng photo ni Michelle para batiin ito sa kaarawan ng huli.

“Dearest Mahal ko on your special day i just want to thank you and thank God for your existence. You are the most loving, caring, simplest & understanding person i’ve met and you have the biggest heart. That what makes you even more beautiful. Napakabute mong tao and never ever change. You are a blessing to the people around and you bring joy everywhere you go. I’m proud of the woman you are. Lagi mo tandaan na nandito ako lagi para sayo to take care and protect you. Looking forward to having a celebration date once you take a break from your new project. Love Enzo,” sabi ni Enzo.

The post John Lloyd ‘di na nakakasama ang anak kay Ellen first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *