John Lloyd, Derek kinamumuhian ni Angelica

Halos mapuno ang social media ng mga hugot na usapan nina Vice Ganda at Angelica Pa­nganiban sa nakaraang episode ng Gandang Gabi Vice.

The post John Lloyd, Derek kinamumuhian ni Angelica appeared first on Abante News Online.

john lloyd derek kinamumuhian ni angelica - John Lloyd, Derek kinamumuhian ni Angelica
Untitled 3 42 - John Lloyd, Derek kinamumuhian ni Angelica

Halos mapuno ang social media ng mga hugot na usapan nina Vice Ganda at Angelica Pa­nganiban sa nakaraang episode ng Gandang Gabi Vice.

Pasok sa top 10 trending ng Twitter ang #GGVHugotNiAngge dahil talaga nga naman marami ang naka-relate sa pagbabahagi ni Angelica ng kanyang damdamin sa GGV.

Sa tinatawag na ‘charot cards’ segment, mayroong mga card na nakalatag sa mesa. Nagtanong si Angge at malalaman ang mga sagot sa pamamagitan ng charot cards.

‘Lolokohin pa ba ako?” tanong ni Angelica.

“Minsan ‘yung tingin mong sapat na, kulang pa pala,” ang sagot ng charot cards.

Kaya si Angelica, biglang napamura, sabay sabi na, “kulang pa ‘yung pangloloko sa’kin?”

Ang kasunod na part ay ang ‘truth or shot’ na kapag hindi niya nasagot ang tanong, iinumin niya ang mga nasa shot glass. Unang tanong sa kanya ni Vice ay kung bakit niya in-unfollow si Carlo Aquino sa Instagram.

Sagot ng aktres ay labis siyang naapektuhan sa comment ng fan.

“Ako pala nakakapagbigay ng hindi magandang image sa kanya (Carlo),” sabi pa ni Angge.
At ‘no’ ang sagot ni Angelica sa tanong kung magkaibigan pa ba sila ni Carlo.

Pinapili rin ni Vice ang aktres sa kung sino kina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Carlo ang mas gugustuhin niyang makasama sa elevator, at si Carlo ang sagot niya.

“Mas ayaw ko naman ‘yung dalawa!” sabi pa ni Angelica.

Bumuhos nga sa social media ang simpatiya ng mga fan kay Angge at sinabi na hindi deserve ng dalaga ang mala­lang sakit na naidulot sa kanya ng sobra-sobrang pagmamahal sa mga naging ex-boyfriend niya. (Athena Yap)

The post John Lloyd, Derek kinamumuhian ni Angelica appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *