John Lloyd bawal lumapit kay Baby Elias

Kung paano pinag-usapan noon ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na nauwi pa sa pagli-leave ni John Lloyd sa showbiz at gayundin naman si Ellen, pagkakaroon nila ng anak, heto’t ang diumano’y hiwalayan naman nila ang pinagpipiyestahan.

john lloyd bawal lumapit kay baby elias - John Lloyd bawal lumapit kay Baby Elias
abante john lloyd jeep up diliman2 - John Lloyd bawal lumapit kay Baby Elias

Ellen nagpasaklolo sa Cebu court
Ni: Rose Garcia

Kung paano pinag-usapan noon ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na nauwi pa sa pagli-leave ni John Lloyd sa showbiz at gayundin naman si Ellen, pagkakaroon nila ng anak, heto’t ang diumano’y hiwalayan naman nila ang pinagpipiyestahan.

Pagkatapos lumabas na diumano’y hiwalay na sila, ang bagong isyu naman, spotted daw si Ellen sa Regional Trial Court sa Cebu na nagpa-file ng Temporary Protection Order (TPO) laban kay John Lloyd, na nagbabawal kay LLoydie na makita o makasama ang anak niya at si Adarna.

Iba-ibang isyu na ang lumalabas sa diumano’y paghihiwalay nila. Nandiyang si Ellen daw ang nag-initiate ng break-up. Kesyo hindi na raw natagalan ni Ellen ang live-in partner dahil balik daw ito sa dating “gawi.”

May pisikalan pa kaming narinig though tingin namin, lahat ng ito ay haka-haka na lang after the hiwalayan issue. Kanya-kanya na ng gawa ng senaryo.

Sa mga nakausap naman ng Abante, wala raw silang alam na TPO ni Ellen against John Lloyd dahil bago siya mag-Bangkok, nasa Cebu pa si John Lloyd.

Isang malapit kay Lloydie ang nakausap namin at tinanong sa totoong status ngayon ni John Lloyd. Sabi lang nito, wala pa raw siyang alam na development. Pero ang wish nito, sana raw ay maging maayos pa rin ang dalawa kahit maghiwalay na lalo at may anak sila, ang 1-year-old na si Elias Modesto.

Pero excited ito na feeling niya, baka ito na raw ang hudyat para magbalik showbiz na muli ang aktor.

Sa isang banda, kilala namin si John Lloyd noon pa. Napakarami na rin nitong pinagdaanan kung mga isyu rin lang na ibinabato sa kanya. Wish namin na sana, tulad dati ay makausap siya dahil sa loob ng dalawang taon, napakaraming nag-aabang ng mga puwede niyang sabihin o ikuwento.

May naalala lang kami na kung nasa Vietnam nga si John Lloyd ngayon, mukhang paborito niya ang natu­rang bansa dahil dito rin nang magsimula noon ang relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *