John Lloyd balik showbiz na?

Hudyat na nga ba ng pagbabalik ni John Lloyd Cruz ang lumalabas na advertising campaign ng isang shawarma brand kung saan ay kilalang endorser si Piolo Pascual?

The post John Lloyd balik showbiz na? appeared first on Abante News Online.

john lloyd balik showbiz na - John Lloyd balik showbiz na?
jlc - John Lloyd balik showbiz na?

Hudyat na nga ba ng pagbabalik ni John Lloyd Cruz ang lumalabas na advertising campaign ng isang shawarma brand kung saan ay kilalang endorser si Piolo Pascual?

Kamukha naman talaga ni John Lloyd ang nasa larawan kahit na madilim ito. Mas lalong tumibay ang haka-haka na si John Lloyd ito dahil sa naging post ni Piolo na, “If thats you i’m happy coz ur my brother. welcome to the family!”

Patunay na marami nang nakaka-miss sa actor dahil sa tila na-excite ang karamihang netizen kung totoong magbabalik na nga si John Lloyd sa showbiz, though of course, mukhang endorsement pa lang din ito.

2017 pa nang lumabas ang indefinite leave ni John Lloyd sa showbiz, kasama ang kanyang girlfriend at ina ng anak niya na si Ellen Adarna. Pabalik-balik si John Lloyd sa Cebu at Manila.

May anak na ang da­lawa, si Elias Modesto, na noong isang araw lang ay may kuwento sa amin ang isang kakilala namin na kilala ang tiyahin ni John Lloyd at pinakita raw sa kanya ang picture ng anak ni John Lloyd na ayon dito, napaka-guwapo raw at hati raw ang pagkakahawig sa mga magulang.

The post John Lloyd balik showbiz na? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *