John, Ellen gaya-gaya kina Dolphy, Nida

Nagka-story conference na ang “John En Ellen” ng TV5.

The post John, Ellen gaya-gaya kina Dolphy, Nida first appeared on Abante.

john ellen gaya gaya kina dolphy nida - John, Ellen gaya-gaya kina Dolphy, Nida
Elen x John Estrada - John, Ellen gaya-gaya kina Dolphy, Nida

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - John, Ellen gaya-gaya kina Dolphy, NidaNagka-story conference na ang “John En Ellen” ng TV5.

Sina John Estrada at Ellen Adarna ang magbibida roon at sabi ng TV5 showbiz anchor na si MJ Marfori, next year na sisimulan ‘yon.

Mala-“John En Marsha” nga raw nina Dolphy (SLN) at Nida Blanca (SLN) ang bagong sitcom ng TV5.

Sa story conference nga raw last week ay in-announce na ang panganay na anak ni Sunshine Cruz ang gaganap na anak nina John at Ellen sa nasabing sitcom.

Marami nga pala ang interesado sa “John En Ellen” dahil ‘yon ang hudyat ng pagbabalik-showbiz ni Ellen.

Eh, hindi ba ang ex-boyfriend niya at ama ng anak niyang si Elias na si John Lloyd Cruz ay matunog ding magbabalik-showbiz sa pamamagitan ng isang show ng TV5 na ipuprodyus daw ng businessman na si Albee Benitez?

‘Yung “John En Ellen” nga pala ay iba raw ang producer (may nagtsika sa akin na si Atty. Joji Alonso raw, pero hindi ko pa nako-confirm).

***

Ritz excited sa kasal kay Allan

Kung kailan sila naging engaged ni Allan Guwi ay saka naman ratsada sa trabaho si Ritz Azul.

Biniro ko nga siya sa virtual presscon ng “The Missing” na mukhang naghahabol siya ng showbiz projects bago sila magpakasal ng kanyang fiancé.

“Opo Kuya Jun, mas magandang mag-work nang mag-work muna,” sabi ni Ritz.

Isa nga si Ritz sa busiest stars ngayon kahit may pandemic.

Kasama rin si Ritz sa pelikulang “Mamasapano” na prodyus ni Atty. Ferdinand Topacio for Borracio Films at ratsada rin siya sa TV5 shows.

Anyway, tinanong ko si Ritz kung nalungkot ba siya nang hindi matuloy ang sana ay first Summer Metro Manila Film Festival kung saan ay kasali dapat ang “The Missing”?

“Opo. Nalungkot ako. Naisip ko, paano na lang ang puhunan ng producers, nina Mother Lily at Ms. Roselle (Monteverde). Saka sayang kasi.

“Pero nang i-announce nga po na kasama kami sa MMFF 2020, natuwa po ako. Sa main filmfest pa po kasi kami napasali,” sabi ni Ritz.

Samantala, isa si Ritz sa tinaguriang NBSB o no boyfriend since birth at si Allan nga ang una niyang nakarelasyon at mauuwi na sa kasalan ang kanilang pagsasama, huh! At yes, excited na nga siyang pakasal kay Allan.

Ang bongga!

The post John, Ellen gaya-gaya kina Dolphy, Nida first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *