Jodi umiyak, nanginig, halos himatayin sa taping

Hiyang-hiya si Direk FM Reyes sa mga artista niyang sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

The post Jodi umiyak, nanginig, halos himatayin sa taping first appeared on Abante.

jodi umiyak nanginig halos himatayin sa taping - Jodi umiyak, nanginig, halos himatayin sa taping
jodi - Jodi umiyak, nanginig, halos himatayin sa taping

Hiyang-hiya si Direk FM Reyes sa mga artista niyang sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Sa eksena nga kasi na ginawa nila na mapapanood sa Season 2 ng Ang Sa Iyo Ay Akin ng Kapamilya channel, kinailangan talaga ang matitinding emosyon.

“She was so into the character… Ako kasi bilang direktor, siyempre pupunta na ako sa susunod kong set up. Pagdaan ko sa kanya (Jodi), she was shaking, and she’s still crying.

“Parang sampal sa akin `yon na ang artista ko pumasok sa isang emosyon na napakalalim.

“Sa Book 2, may ginawa sina Maricel at Jodi na eksena, at hindi ko alam kung kanino ako tatakbo. Because Jodi was left in the banquet, in all her regalia, and wearing the gown, and she was shaking, and crying profusely, kahit nag-cut na ako.

“Then, nakita ko si Maricel na nanginginig din. Imagine the investment na ibinigay nila sa character nila,” kuwento ni Direk FM.

Sa pigtasan naman daw ng kuwintas nina Jodi at Iza Calzado, nakita ni Direk si Iza na sumisigaw at sini-shake ang mga kamay, na nanginginig nga. (Dondon Sermino)

The post Jodi umiyak, nanginig, halos himatayin sa taping first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *