Jodi pababagsakin si Iza

Umeksena na kamakailan Rita Avila, bilang si Belen sa “Ang Sa Iyo Ay Akin”.

The post Jodi pababagsakin si Iza first appeared on Abante.

jodi pababagsakin si iza - Jodi pababagsakin si Iza
abante jodi iza - Jodi pababagsakin si Iza

Umeksena na kamakailan Rita Avila, bilang si Belen sa “Ang Sa Iyo Ay Akin”. Bigla nga siyang lumitaw sa bahay ni Iza Calzado (Ellice), matapos mawala nang matagal, a inakalang patay na.

Hindi natuwa si Ellice dahil dagdag pa ito sa patong-patong na problema niya.

“Buhay kayo? Buhay kayo all these years tapos ngayon ka lang magpapakita,” sabi ni Ellice sa ina.

Samantala, determinado pa rin si Marissa (Jodi Sta. Maria) na pabagsakin si Ellice. Binabalak na nga niyang alisin sa pwesto ang kaaway bilang presidente ng Ceñidoza at kinuntsaba pa si Madam Adelina (Carla Martinez) na ibigay ang shares nito sa kompanya.

Magtagumpay kaya si Marissa sa kanyang binabalak? Bakit kaya biglang nagbalik si Belen sa buhay ni Ellice?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

Siyanga pala, si Jodi rin ang prodyuser ng pelikulang The Boy Foretold by the Stars na bida sina Keann Johnson at Adrian Lindayag, at kasali sa Metro Manila Film Festival 2020. (Dondon Sermino)

The post Jodi pababagsakin si Iza first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *