Jodi natawa, kinilig sa relasyon kay Raymart

Isang malutong na ‘hahahahahahaha’ ang naging sagot ni Jodi Sta. Maria sa tanong kung in love ba siya ngayon, at siyempre kay Raymart Santiago `yon, di ba?

The post Jodi natawa, kinilig sa relasyon kay Raymart first appeared on Abante.

jodi natawa kinilig sa relasyon kay raymart - Jodi natawa, kinilig sa relasyon kay Raymart
abante jodi - Jodi natawa, kinilig sa relasyon kay Raymart

Isang malutong na ‘hahahahahahaha’ ang naging sagot ni Jodi Sta. Maria sa tanong kung in love ba siya ngayon, at siyempre kay Raymart Santiago `yon, di ba?

Sa presscon ng HealthyFix (health, beauty, wellness product), kung saan ay hindi lang basta-basta endorser si Jodi, kundi business partner talaga siya nina Nino Bautista at Red Gatus, napag-usapan ang tungkol sa mga tagumpay niya sa buhay, o pagiging empowered woman niya, at sa kung paano niya gustong makatulong ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang hanapbuhay sa mga kababaihan, at siyempre, sa kung hindi ba niya nami-miss ang ‘maalagaan’ naman ng isang lalaki.

Aba, matagal-tagal na ring walang dyowa si Jodi, kaya marami ang natuwa noong nabalitang sila na ni Raymart.

Pero, `yun na nga, sa presscon ng HealthyFix ay super lutong na halakhak lang ang naging sagot niya. Pero sa totoo lang, ramdam na ramdam ang kilig sa mukha ni Jodi habang humahalakhak. Sapat na ang mga halakhak at kilig para sabihing in love naman talaga siya ngayon kay Raymart.

Anyway, hands on nga pala si Jodi sa negosyo niyang ito. Lahat ng aspeto ng pagnenegosyo ay inaral talaga niya.

Kaya huwag na tayong magtaka, kung dumating ang araw na mapabilang si Jodi sa mga pinaka-successful na businesswoman sa Pilipinas. (Dondon Sermino)

The post Jodi natawa, kinilig sa relasyon kay Raymart first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *