Jodi na-trauma kay Direk Derick

Mukhang matatagalan pa bago gumawa ulit ng horror movie si Jodi Sta. Maria. Mukhang may trauma siya sa pelikulang “Clarita” ha!

The post Jodi na-trauma kay Direk Derick appeared first on Abante News Online.

jodi na trauma kay direk derick - Jodi na-trauma kay Direk Derick
Jodi Sta.Maria  1 - Jodi na-trauma kay Direk Derick

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Jodi na-trauma kay Direk DerickMukhang matatagalan pa bago gumawa ulit ng horror movie si Jodi Sta. Maria. Mukhang may trauma siya sa pelikulang “Clarita” ha!

Sa pressscon ng movie ay dalawang beses inulit ni Jodi ang biro niya sa direktor ng pelikula na si Derick Cabrido, na hindi na siya ulit magpapadirek dito. Ayon kay Jodi, kinabahan siya sa isang eksena na ibinitin siya na padapa, at naka-harness lang.

Natakot si Jodi para sa kanyang buhay. Paano na lang daw kung napatid sa kalagitnaan ng eksena ang kableng nakakabit sa kanyang katawan, o kaya ay bumigay ang kamang babagsakan niya?

Pangiti-ngiting kuwento ni Jodi, nang matapos ang eksena ay minadali niyang tanggalin ang harness para mawala ang takot niya. Inakala ni Jodi na may dodobol sa kanya sa harness scene.

At dito nga sinabi ni Jodi na hindi niya pinangarap mag-Darna dahil takot siyang magpabitin, o magpalutang sa ere.

At inamin niyang claustrophobic siya at kinakailangan pa niya hawakan sa kamay ang kanyang direktor habang sinusukatan siya ng prosthetic sa mukha, at ilong lang ang nakalabas para makahinga siya.

May mga prosthetic rin daw sa buong katawan si Jodi bilang isang babaeng napu-possess. Sabi nga niya, lahat ng eksena na ginawa niya sa movie ay mahirap.

Pero worth it naman daw lahat ng s­akripisyo niya, lalo at sa trailer pa lang, may promise na ito na isang scary, heart-pounding suspense packed na klase ng pelikula.

Arron Villaflor tinaya ang buhay kay ‘Clarita’

Handang itaya ni Aaron Villaflor ang buhay niya para sa horror movie na “Clarita.”

Ginagarantiyahan ni Aaron ang kagandahan ng kanilang pelikula na magugustuhan daw ng mga mahihilig sa mga ganitong genre.

Balitang hindi kumita ang horror flick na pinagbidahan nina Jasmine Curtis Smith at Tom Rodriguez na parehong suspense horror project din. Malaki ang pananampalataya ni Aaron na papasukin ng moviegoers ang kanilang pelikula, dahil sa bida nitong si Jodi Sta. Maria.

Yasmien nasarapan sa ‘curacha’ ni Rey

Nagbigay-aliw at ha-lakhak si Yasmien Kurdi sa social media post niya habang nasa isang resto sila ng mister na si Rey Soldevilla sa Zamboanga. May vlog si Yasmien at kinunan niya ang mga eksena sa resto, na animo ay isang travel show host.

Sinabi ni Yasmien na first time niyang susubok ng curacha, isang uri ng crab na sikat sa Zamboanga. Makikita sa video na sinusubuan niya ang kanyang asawa ng pagkain gamit ang kanyang kamay, sabay sabing “ang sweet”.

Matapos nito ay nag-dialogue si Yasmien sa asawa at sinabing “ang sarap ng curacha mo”. Kitang-kita na nagulat si Rey sa narinig sa asawa at muntik itong mabilaukan.

Natawa naman si Yasmien sa nakitang reaksyon ng asawa. Nabigyan ng malisya ang dialogue ni Yasmien.

Pero mukhang may gustong tumbukin si Yasmien sa dialogue. Sabi niya sa caption, na-edit pa ang ibang sinabi niya.

The post Jodi na-trauma kay Direk Derick appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *