Jodi, Iza talakan nakakatensiyon

Puno ng tension ang unang paghaharap nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria. Matinding tarayan nga ang naganap sa pagitan nilang dalawa.

The post Jodi, Iza talakan nakakatensiyon first appeared on Abante.

jodi iza talakan nakakatensiyon - Jodi, Iza talakan nakakatensiyon
Ang Sa Iyo Ay Akin - Jodi, Iza talakan nakakatensiyon

Puno ng tension ang unang paghaharap nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria. Matinding tarayan nga ang naganap sa pagitan nilang dalawa.

Naganap nag `yon sa hit serye nilang “Ang Sa Iyo Ay Akin” bilang sina Ellice (Iza) at Marissa (Jodi). Sa eksena ay dismayado si Ellice sa pamamalakad ni Marissa sa kanyang kumpanya.

Hindi rin nagustuhan ni Ellice na dinaan ni Marissa sa board ng kumpanya ang pagnanais nitong maging shareholder. Nahaharap sa matinding problema ang pearls company ni Ellice dahil sa pag-atras ng ilang investor at nanakaw na perlas.

Dala ng galit, sinugod ni Ellice si Marissa at kinumpronta kung bakit kailangan niyang idaan sa board ang gusto nito. Hindi naman siya inurungan ni Marissa at tinanong kung anong masama sa kanyang hangarin maging isa sa may-ari ng kumpanya.

Ngunit binigyang-diin ni Ellice na hindi pinagbebenta ang kanyang kumpanya at wala itong lugar dito. Dahil sa nangyari, pinili na lang ni Marissa mag-resign at iwan ang kumpanya.

Kaabang-abang ang mas marami pang paghaharap nina Marissa at Ellice. Tagisan din ng acting nina Jodi at Iza, pati si Maricel Soriano bilang nanay ni Marissa na nagdududa na rin sa mga kinikilos ng anak.

Napapanood ang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 PM at iWantTFC. I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com. (Dondon Sermino)

The post Jodi, Iza talakan nakakatensiyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *