Jodi ilalampaso si Bela sa aktingan

Masuwerte si Bela Padilla dahil isa siya sa iilang mga aktres ng heneras-yon niya na kayang magpakilig at magpaluha sa mga romance-drama movies at magpaiyak din bilang nanay sa mga teleserye.

The post Jodi ilalampaso si Bela sa aktingan appeared first on Abante News Online.

jodi ilalampaso si bela sa aktingan - Jodi ilalampaso si Bela sa aktingan
Jodi Sta.Maria  - Jodi ilalampaso si Bela sa aktingan

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Jodi ilalampaso si Bela sa aktinganMasuwerte si Bela Padilla dahil isa siya sa iilang mga aktres ng heneras-yon niya na kayang magpakilig at magpaluha sa mga romance-drama movies at magpaiyak din bilang nanay sa mga teleserye.

Pagkatapos ng mommy role niya sa “My Dear Heart,” isang mapagmahal na ina at abogado na si Juris naman ang epektibo niyang ginagampanan ngayon sa “Sino Ang Maysala? Mea Culpa” na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Sure kaming nakaka-relate ang lahat ng working moms sa pinagdaraanan ng karakter ni Bela dahil bago pa man siya maging legal na adoptive mother ni Leyna (na ang tunay na ina ay ang karakter ni Jodi Sta. Maria na si Fina), buong puso niyang ina-lagaan ang bata at makailang beses na inuna ang kapakanan nito bago ang kanyang umuusbong na law career.

Siyempre, wala nang kailangang patunayan pa si Jodi pagdating sa aktingan. Isang palabang Jodi muli ang napapanood ngayon sa role niya bilang isang nanay na nawalan ng anak at hindi nawawalan ng pag-asang makikitang muli ito.

Hindi rin nawawala sa serye ang “thriller feels” dahil malapit nang mag-showdown ang karakter nina Bela at Jodi, na parehong maglalaban para sa pagiging nanay kay Leyna, matapos misteryosong mapaslang si Bogs (Ketchup Eusebio) dahil sa pagbabanta nitong umamin sa sikreto nilang magkakaibigan.

Intense ang naging unang paghaharap ni Fina (Jodi) at nina Juris (Bela), Andrei (Tony Labrusca), Greco (Kit Thompson), Gaylord (Sandino Martin), at Lolita (Ivana Alawi) sa burol ni Bogs. Simula pa lang ng laban ni Fina para sa kanyang anak!

Naku, dapat maghanda si Bela dahil baka ilampaso siya ni Jodi sa aktingan, ha!

Pelikula ni Manuel L. Quezon iniyakan, pinalakpakan

Bongga ang special screening nitong linggo ng Star Cinema movie na “Quezon’s Game” tungkol sa dating Pangulong Manuel L. Quezon dahil maraming naiyak at naantig sa kuwento ng kabayanihan na ipinakita sa pelikula kaya nakakuha ito ng napakahabang standing ovation.

Kasama sa mga dumalo sa screening ang pamilya Quezon, si presidential spokesman Salvador Panelo, Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño, at mga diplomat mula sa iba’t ibang bansa.

Matapang ang pagtataya ng Star Cinema at ABS-CBN sa pagprodyus sa isang importante at makabuluhang pelikula na masasabing “hindi commercial” lalo pa’t period movie ito at hindi masyadong nabigyang-diin sa history books ng Pilipinas. Nakakabilib din na ginawa nila ito kahit hindi nila alam kung tatangkilikin ang Pinoy moviegoers at hindi siguradong kikita katulad ng “The Hows of Us” at mga pelikula nina Vice Ganda at sikat na love teams.

Ang “Quezon’s Game” ay tungkol sa pagsagip ni Manuel L. Quezon, kasama ng noo’y future US president na si Dwight Eisenhower at ilan pang kilalang tao, sa pagsagip nila sa Jewish refugees mula sa Germany at Austria noong panahon ng Holocaust. Dahil sa joint effort nila, nailigtas nila ang 1,200 Jewish refugees. Kung tutuusin, hindi lang si Oskar Schindler mula sa pelikulang “Schindler’s List” ang tumulong sa pagsagip sa kanila.

Mahalaga ang puntong ito sa kasaysa-yan dahil noong mga panahong iyon, halos walang bansa ang gustong tumanggap ng Jewish refugees. Sa kabila nito, ginawa pa rin ito ni Quezon dahil naniniwala siyang ito ang tama at makataong gawin.

Ang feedback ng mga nakapanood, dapat itong panoorin ng lahat ng Pinoy dahil hindi lang ito bahagi ng kasaysayan ng bansa kundi pati na rin ng buong mundo. At walang dudang ginawa ito ng ABS-CBN at Star Cinema para mapanood ng mga Pinoy, in the service of the Filipino!

Kaya sa mga nagsasabing wala nang quality Pinoy films, dapat nila itong panoorin. Must-watch din ito para sa lahat ng estud-yante, hindi lang para sa history students.
Ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang “Quezon’s Game” sa Mayo 29. 

The post Jodi ilalampaso si Bela sa aktingan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *