Joao game makipahalikan sa kapwa boylet

Si Joao Constancia nga ang ex-boyfriend ni Sue Ramirez, na dyowa ngayon ni Javi Benitez, ang producer ng mga bagong show sa TV 5, si Mr. Albee Benitez.

The post Joao game makipahalikan sa kapwa boylet first appeared on Abante.

joao game makipahalikan sa kapwa boylet - Joao game makipahalikan sa kapwa boylet
abante joao - Joao game makipahalikan sa kapwa boylet

Si Joao Constancia nga ang ex-boyfriend ni Sue Ramirez, na dyowa ngayon ni Javi Benitez, ang producer ng mga bagong show sa TV 5, si Mr. Albee Benitez.

At sa chikahan kay Joao sa virtual presscon ng My Lockdown Romance, ramdam naman ang magandang hiwalayan nila ni Sue.

Katunayan, nag-wish pa siya para sa dalaga.

“I hope you’re doing fine, I hope you’re happy. Stay safe also,” sabi Joao.

Anyway, ang bongga lang ni Joao na handang makipaghalikan kay Jameson Blake sa harap ng kamera, kung sakaling hilingin, o nasa script talaga.

“Yes, I’m willing to do it. Kung para sa pelikula, kung okey ang script, no problem po. I’m willing po,” sabi ni Joao.

Ang hindi lang daw niya kayang gawin ay ang makiparelasyon sa kapwa lalake. May mga kakilala raw siyang bading na may karelasyong lalake, at okey lang sa kanya `yon. Pero, `yung siya raw mismo ang makikipag-relasyon, hindi raw mangyayari.

“Hanggang friendship lang po talaga ang puwede,” sabi pa ni Joao.

Si Joao nga pala ang sentro ng atensiyon, pagmamahal, pagnanasa ni Jameson Blake sa My Lockdown Romance, na dinirek ni Bobby Bonifacio Jr. (Dondon Sermino)

The post Joao game makipahalikan sa kapwa boylet first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *