Jo Berry sikat sa Ecuador

Talagang dumarami na ang nakapapansin sa talent ni Jo Berry pagdating sa aktingan dahil hindi lang sa Pilipinas napapanood ang drama shows niya kundi pati na rin sa Latin American region!

jo berry sikat sa ecuador - Jo Berry sikat sa Ecuador
abante jo berry - Jo Berry sikat sa Ecuador

Talagang dumarami na ang nakapapansin sa talent ni Jo Berry pagdating sa aktingan dahil hindi lang sa Pilipinas napapanood ang drama shows niya kundi pati na rin sa Latin American region!

Bagong launch kasi ngayon sa Ecuavisa Channel sa Ecuador ang ‘The Gift’ na naka-dub pa sa Spanish. Napanood na rin doon ang unang serye ni Jo na ‘Onanay’ na very successful kaya naman recently ay na-interview siya via Zoom sa isang morning show doon na ‘En Contacto’.

Marami na ring mga Kapuso show ang napapanood ng mga Latino dahil sa patuloy na partnership ng GMA sa nasabing region kasama ang Latin Media Corporation.

Nakakatuwang isipin na kung tayo nga sa ‘Pinas eh napapa-faney kapag nagiging guest sa local TV shows ang mga kinagigiliwan nating bida sa Kdrama o foreign series, ganun din pala ang nararamdaman ng ibang mga lahi kapag Pinoy naman ang nagiging guest sa kanila. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *