JM, Ria magsososyo sa negosyo

Magsasama sa isang tinatawag na “business venture” sina JM De Guzman, Ria Atayde at kapatid, Brandon Vera at si Sylvia Sanchez.

jm ria magsososyo sa negosyo - JM, Ria magsososyo sa negosyo
ABANTE Ria JM - JM, Ria magsososyo sa negosyo

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - JM, Ria magsososyo sa negosyoMagsasama sa isang tinatawag na “business venture” sina JM De Guzman, Ria Atayde at kapatid, Brandon Vera at si Sylvia Sanchez.

Nakaposte kamakailan lang sa Instagram wall ni Sylvia ang larawan nila sa isang lunch na ginawa sa loob ng tahanan ng mahusay na aktres.

Sa caption, sinabi ni Sylvia na ang rason ng pagtitipon nilang ito ay para sa isang business venture na hindi niya dinetalye at nilinaw.

Kung anuman ito, sigurado namang iba-bahagi ito ni Sylvia sa mga darating na araw.

Kakatapos lang niya ng acting workshop kung saan sila nina Smokey Manaloto at iba pang mga kaibigan ang facilitators.

K Brosas napagkamalang buntis sa Slovenia

Dumaan muna sa hirap si K Brosas bago naibigay sa kanya ang sanitary napkin na binibili niya sa isang pharmacy sa Slovenia.

Nasa gitna ng kanyang pagliliwaliw sa Europe si K nang datnan ng kanyang monthly period.

Sa kuwento niya sa isang pinosteng larawan sa lugar sa Slovenia, pumasok siya sa isang pharmacy roon para bumili ng napkin.

Hindi marunong mag-English ang mga ito kaya idinaan niya sa sign language at fun game na charade ang pakikipag-usap nito sa tindero.

Kahit itinuturo ni K ang puson niya, hindi pa rin maintindihan ng tindero ang nais niyang sabihin kahit may tinawag na itong kasamahan na hindi rin pala marunong umintindi ng English.

Akala raw ng tindero, buntis siya kaya ‘yung pregnancy test ang ibinigay sa kanya.

Sabi pa sa kuwento, gusto na raw niyang ituro ang kanyang petchay para lang maintindihan nito.

Nang makuha ng tindero ang pakay niya, sa hiya ni K ay binili niya ang inilabas na sanitary napkins.

Fan muntik mahimatay dahil kay Heart

Pinasaya ni Heart Evangelista ang isa niyang follower sa Twitter nang mag-comment ito sa post ng huli.

Mababasa sa tweet ni @aryandeyn_ na pinupuri nito ang Kapuso actress sa mga lumalabas na collaboration project nito sa iba’t ibang fashion brands dahil wala siyang perang pambili.

“miss @heart02- 1485 kalma lang po sa paglaulaunch ng mga collab products, wala po akong pera hahaha wag mo po masyadong gali-ngan naiiyak na ako eh.”

Tumugon si Heart at sinabi nitong may ipapadala siya para sa fan.
@heart02- 1485, “where can I send you something?”

Halos himatayin sa tuwa ang fan sa response ni Heart sa pagnanais nitong mabigyan siya ng mga item nito.

Dahil dito, naloka at natuwa rin ang iba pang nakabasa ng retweet ng aktres, at pinuri ang pagiging galante ni Heart.

Dimples ‘di kontrabida sa dyowa ng kapatid

Nabalot ng kasiyahan si Dimples Romana at ang buo niyang pamil-ya sa Thailand nang ma-witness nito ang engagement proposal ng kanyang kapatid na si Bam Romana.

Sa gitna ng busy schedule ni Dimples, ginawan niya ng paraan na makalipad patungong Thailand kasama ang sarili niyang pamilya at ang mga magulang para saksihan ang marriage proposal ng nakababata niyang kapatid sa kasintahan nitong si Kriselle Villanueva.

Sa post ng “Kadenang Ginto” star sa Ins-tagram, labis ang kasiyahan nilang buong pamilya sa espesyal na okasyon sa kapatid.

Tanggap nina Dimples ang kasintahan ni Bam kahit may anak na ito.

Sa isa pang photo posting kasama ang girl, pinuri ni Dimples ang qualities ng kasintahan ng kanyang kapatid at ang pang-unawa nito sa kanyang younger brother sa mga kakulangan nito minsan.

Excited na si ‘Dani Girl’ na maka-experience ng kasalan ulit sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *