JM natatakot ‘saktan’ si Ria

Kahit balitang-balita na magkasintahan na sina JM de Guzman at Ria Atayde, iginigiit pa rin ng aktor na wala pa siyang kakayahan na pumasok sa panibagong romantic relationship.

jm natatakot saktan si ria - JM natatakot ‘saktan’ si Ria
jm x ria - JM natatakot ‘saktan’ si Ria

Kahit balitang-balita na magkasintahan na sina JM de Guzman at Ria Atayde, iginigiit pa rin ng aktor na wala pa siyang kakayahan na pumasok sa panibagong romantic relationship.

Ayon kay JM ay hindi pa siya ganap na “buo”. Natatakot ang aktor na baka makasakit na naman siya kapag ipinilit niyang ma-in love at magkaroon ng relasyon sa kahit na sinong babae.

Umaming accountable si JM sa galit sa kanya dati ni Barbie Imperial.

“Kaya nga po, I said sorry,” ang sagot ni JM sa tanong namin tungkol sa heartbreak na ibinigay niya kay Barbie.

Nagpaliwanag din si JM kung bakit parang iwas na iwas siyang pag-usapan ang tungkol kay Ria. Gusto raw niyang protektahan ang anak na dalaga ni Sylvia Sanchez mula sa mga basher. Ayaw niyang madurog ito sa social media nang dahil sa kanya.

Sa ngayon, mas tutok si JM sa “Pamilya Ko” na pinagbibidahan din nina Sylvia at Joey Marquez. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *