JM nakakaranas ng depresyon

Nakakaramdam na naman ng depression si JM De Guzman sa hindi niya malamang dahilan.

jm nakakaranas ng depresyon - JM nakakaranas ng depresyon
jm 3 - JM nakakaranas ng depresyon

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 6 336x224 - JM nakakaranas ng depresyonNakakaramdam na naman ng depression si JM De Guzman sa hindi niya malamang dahilan.

Sa tsikahan namin kay JM sa presscon ng lalabas niyang bagong serye sa ABS-CBN 2 na pinagbibidahan rin nina Sylvia Sanchez at Joey Marquez na “Pamilya Ko”, binanggit ng mahusay na aktor na nakakaramdam siya ng depression nang mga sandaling iyon.

Paggising niya sa umaga, ramdam niya ang lungkot sa hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Masaya si JM sa nangyayari sa kanyang career lalo’t maganda ang role na ibinigay sa kanya ng RSB Unit, ang production na namamahala sa “Pamilya Ko”.

Pinangingiliran pa ng luha sa kanyang mga mata si JM habang binabalikan nito ang muling pagbabalik sa Kapamilya matapos siyang ma-rehab dahil sa addiction niya sa drugs.

Sey pa ng aktor, wala siyang natatandaang naipundar niya sa showbiz para pagkatiwalaan ulit siya ng istasyon.

Sa paglalantad ni JM sa depression na nararamdaman, isang malinaw na pagpapatunay na kahit matagumpay ka na ay tatamaan ka pa rin ng ganito.

Kaya raw pinagbubuti niya ang kanyang trabaho at pinipilit na maging diretso na ang kanyang buhay.

Hanggang ngayon, patuloy sa kanyang counseling si JM sa support group niya at bumabalik siya sa center para lang mapagtibay niya ang sarili upang hindi na siya matukso ulit sa droga.

Patuloy rin ang psychiatrist consultation niya at pakikipag-usap sa mga taong magbibigay sa kanya ng liwanag sa buhay.

Siyanga pala, mapapanood ang “Pamilya Ko” sa time slot na iiwan ng “Minute To Win It”.

Beauty bet magpaligaya ng mga taga-Marawi

Biglang nainggit si Beauty Gonzales kay Katarina Rodriguez sa pinoste nitong status sa kanyang Instagram wall.

Nagpaskil ng larawan niya si Katarina sa IG kasama ang ilang mga kawal ng ‘Pinas bilang bahagi ng pagbisita niya sa Marawi para sa isang misyon.

Nakita ni Beauty ang larawan at nagpahayag ng pagnanais niyang makapunta rin sa Marawi para makapagbigay ng tulong niya.

Sabi ni Beauty, gusto niyang sumama naman sa susunod na pagpunta ni Katarina sa Marawi.

Sa halip na magdaos ng malaking party, minabuti ng beauty queen na mag-donate ng mga supplies sa mga teacher at estudyante sa Marawi.

Bilib na bilib si Beauty sa misyon ni Katarina.

Troy Montero naaksidente sa karera

Nadisgrasya sa gitna ng kanyang car racing competition si Troy Montero nitong nakaraang weekend.

Naka-post sa Instagram wall ni Troy ang larawan ng sasakyan niya na nawasak ang unahan.

Sa caption, ibinalita niyang bugbog at pamamaga lang ng ilang bahagi ng katawan ang natamo niya sa aksidente dahil sa protection gear na suot.

Walang malalang damage sa buong sasakyan maliban sa kaliwang bahagi nito na nayupi at natanggalan ng bumper.

Kahit nabangga, naka-puwesto pa rin sa number one slot si Troy sa klase nila sa race #4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *