JM de Guzman nabudol ng prodyuser

Inamin ni JM de Guzman kay Angelica Panganiban na naloko siya sa isang proyekto kung saan pinag-shoot siya ng ilang sensitibong scenes ngunit hindi naman tinapos. Nangyari ang aminan sa talk show ng aktres na “Ask Angelica” kamakailan.

The post JM de Guzman nabudol ng prodyuser first appeared on Abante.

jm de guzman nabudol ng prodyuser - JM de Guzman nabudol ng prodyuser
abante jm de guzman - JM de Guzman nabudol ng prodyuser

dondon sermino 15 - JM de Guzman nabudol ng prodyuserInamin ni JM de Guzman kay Angelica Panganiban na naloko siya sa isang proyekto kung saan pinag-shoot siya ng ilang sensitibong scenes ngunit hindi naman tinapos. Nangyari ang aminan sa talk show ng aktres na “Ask Angelica” kamakailan.

Sa naganap na reunion nila ni Angelica Panganiban at direktor nila sa pelikulang “That Thing Called Tadhana” na si Antoinette Jadaone, nagawang paaminin ni Angge si JM kung ano ang pinakaayaw niyang nagawang project.

“May nandaya sa aking isang producer na gawin ang isang proyekto na medyo sensitive ‘yung scenes. So inuna niya ‘yung sensitive scenes pero hindi niya tinapos ‘yung pelikula,” sabi ni JM.

Inasar tuloy siya ni Angelica na baka hindi naman ito taga-industriya at sa ibang bagay pala gagamitin ang nasabing scene.

“Baka naman nabudol ka lang, hindi sila taga-industriya? Baka sa porn,” biro ni Angelica.

Pinaamin din ni Angelica si Direk Tonet kung ano rin ang ayaw niyang nagawang proyekto.

Sagot ng direktor, lahat naman daw ng naging movie niya ay mahal niya ngunit kung babalikan niya ang ilan sa mga ito, marami siguro raw siyang gustong baguhin sa una niyang movie na ginawa sa Star Cinema.

“Siguro ‘yung sana mas may nabigay pa ako, ‘yung first film ko sa Star Cinema, ‘yung ‘You’re My Boss.’ Looking back, hindi naging wise ‘yung mga ibang desisyon ko. Basta sa processes ko as director. ‘Yun nga, kasi bagets pa ako,” paliwanag niya.

Bukod sa bukingan, naging masaya ang reunion ng tatlo sa pagsagot nila sa questions ng netizens. Sa mga hindi naman nakanood nito o gusto malaman ang kanilang ibang pinag-usapan, maaari nilang balikan ang episode sa YouTube Channel o Facebook page ng Star Cinema.

Julie Anne 120M stream na sa Spotify

Bongga talaga ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose. Nominado si Julie sa mga kategoryang ‘Wishclusive Contemporary R&B Performance of the Year’ at ‘Wish R&B Song of the Year’ sa 6th Wish Music Awards.’

Bukod dito, ayon din sa Universal Records na ini-announce sa Twitter account nila na may mahigit 120 million streams na ang mga kanta ng award-winning artist sa Spotify.

Kahanga-hanga rin ang performance ni Julie Anne sa music video ng local cover ng “Rocket To The Moon,” ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 246k views sa official Facebook page ng Netflix Philippines.

Aicelle, Mark babae ang anak

“It’s a girl!” ang masayang caption ni Aicelle Santos sa Instagram niya kung saan makikita ang gender reveal nila ng asawang si Mark Zambrano.

Sa hiwalay na post ni Mark, ibinahagi nito na excited na silang makilala ang kanilang baby girl.

“Baby Z is a girl!!! Mommy and daddy can’t wait to see you my little princess! We promise to make you see as much of this beautiful world as we can. Our lives will be full of love, laughter, sports, music, and no boys!!! We love you, anak!” sabi ni Mark.

The post JM de Guzman nabudol ng prodyuser first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *