JLC gagawa ng pelikula with Direk Cathy

john-lloyd-cruz

Binunyag ni Direk Cathy Garcia-Molina na tumawag sa kanya si John Lloyd Cruz bago niya simulan ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa kanyang panayam sa “Tonight with Boy Abunda” noong Miyerkoles (Agosto 7) nang gabi.

jlc gagawa ng pelikula with direk cathy - JLC gagawa ng pelikula with Direk Cathy
john lloyd cruz3 - JLC gagawa ng pelikula with Direk Cathy

Binunyag ni Direk Cathy Garcia-Molina na tumawag sa kanya si John Lloyd Cruz bago niya simulan ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa kanyang panayam sa “Tonight with Boy Abunda” noong Miyerkoles (Agosto 7) nang gabi.

Tinanong siya ni John Lloyd kung totoo ang balita ng pagreretiro niya bilang direktor. Sinabi naman niyang break lamang ito at hindi naman talaga pagreretiro dahil alam naman niyang mami-miss niya ang industriya.

Sagot sa kanya ng aktor na dapat silang gumawa ng pelikula pagbalik nito.
Hindi nga lang alam ni Direk Cathy kung ito ba ay ang kanyang last film bago ang kanyang break o sa pagbalik din niya.

Bukod kay JLC, inusisa din ni Tito Boy ang mga artistang gusto pang makatrabaho ng award-winning director at lumitaw dito ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Ayon kay Direk Cathy, “PBB” pa lamang ay gustong-gusto na niya ito. May nakikita daw siyang galing dito.

Samantala, lubos namang nagpapasalamat ang direktor sa nag-uumapaw na support ng sambayanan sa pelikula niyang “Hello, Love, Goodbye” na kumita na ng mahigit 300 million pesos. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *